#10 Anna

11 0 0
                                    

(Coral's POV)


Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa library at naghanap ng libro. Madaming libro dito. Kumbaga ang masmataas pa sa bahay ang isang shelf.



Aaminin ko na sobrang boring ng libro dito. Sa Monster University kasi, ang cool ng libro. Doon may tungkol sa bampira, warewolf, demonyo , spells, aura things, ganito, ganyan. Pero dito, kasing boring ng history at math! Da hell!

Naglakad lakad ako sa napakalawak na library at napansin ang isang pinto na may nakalagay na ' Mythical Area'. Pumasok ako dun at puno din ng mga libro. Pero tungkol ito sa mga monsters.

Kinuha ko yung isang librong color green. It's about Earth monsters. May mga Earth monsters na kayang magmould ng gamit ang lupa, may kayang magpagalaw ng halaman at gawin itong halimaw, may kayang maging rock monster, katulad ni Prince. Hinanap ko ang Water Monsters at nahanap ko din yun. Siyempre excited akong basahin.


"All water monsters can talk to sea creatures.... Huh?"


Binasa ko ulit yung libro pero yun talaga ang nakasulat. Nice! I can talk to little fishies! Nagpatuloy ako sa pagbabasa.


"The water leader posses the charm or what the call aura, to connect with the air monsters."

Sinara ko na yung libro kasi parang walang kuwenta ang nakasulat. Una talking to animals ngayon connection na wala namang explanation. May nakita akong isang librong kakaiba. Nakahiwalay sa ibang libro. May sariling sosyal na shelf. Kinuha ko yun at binasa.


'The anna'



Nacurious ako sa nilalaman kaya binasa ko. Unang bumungad saakin ang picture ng isang babaeng may mahabang white hair. Di ko alam kung white or silver pero hindi siya matanda. May bat wings siya at ang kamay niya ay puno ng dugo.


Ang nakaagaw ng pansin ko ang mga patay na tao sa paligid nung babae. Nakawhite dress din siya pero may dugo at punit punit. Dahil ayaw ko nang tignan ay nilipat ko na sa next page. Dahan dahan kong binasa ang mga nakasulat.

'Anna is a demon who is feared by anyone and anything. Even its fellow demon'


Napakunot ang noo ko. Grabe siguro ito.


'This demon has a special lost magic that doesn't belong to the four class.'

The four class are earth, water, fire and wind. Kahit ako ay di makaisip ng  iba pang class.


'Usually, this demon posses a family bloodline. From it's name, anna, the name who has that word in it is an anna.

The first creature who is possed by the anna is wizard name Rhia who is now called Rhianna after being possed by the demon. The demon only posses women. After generations, the demon passes form wizards to fairies, royals, to monsters, and even to the humans'

Nabigla ako nung nabasa ang mga salitang yun. There's a bloodline pero paibaiba ng lahi. Nagsitayuan ang mga balahibo ko kaya sinara ko yung libro at umalis.

Tumatakbo ako palabas ng library papunta sa castle. Natakot talaga ako dun! Biglang may nakabunggo akong tao.

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaan mo! Kulot!" Sabi niya at binunggo pa ako. Sungit talaga tong lalaking to. Bat parang may mens ka ngayon Jrek?


Nagpatuloy ako sa pagpunta pabalik sa castle. Naabutan ko si Prince at hinarangan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit po Prince charming kunwari?"

"Wala lang. Ito naman ang sungit" sabi niya at nagpout pa. Kinurot ko siya sa pisngi at nagyayang mamasyal. Pumasok muna kami sa castle para magbihis pero nakita namin si Brianna at Pierre.



"Please Brianna just one date"

"A-ano date... May g-agawin pa ako"


Nilagpasan na namin ang magasawa. Haha bagay talaga sila. Pumunta ako sa kwarto namin at nagbihis ng dress. Dahil yun lang ang pinadala ni sir. Bagay talaga saaming tatlo yung mga dress lalo na si Ultear kasi ang cute niya. Speaking of her, di ko na siya nakikita. Palagi siyang wala, kahit sa school. Tsk, pasalamat siya cute siya kung hindi matagal ko na siyang nasampal dahil iniwan na kami 😣

Lumabas ako at hinanap si Prince. Nakabihis na siya kaya umalis na kami sa castle na yun. Wala na din sila Brianna at Pierre kaya wala nang ingay.

"Saan tayo?" Sabi ni Prince

"Alam kong nagugutom ka kaya sa restaurant na lang tayo" sabi ko. Nag 'yehey' naman siya na parang bata. Pumunta kami sa isang restaurant na syempre napakataas at halatang elegante. Pumasok kami at umupo. Binigyan kami ng menu.


"Wow andami!" Sabi ko pagkakita ko palang.  "Magkano kaya to?" Sabi ni Prince. Tinignan ko nang mabuti ang menu at walang presyo ang nakalagay.


"Hey waiter" sabi ko. Lumapot saakin ang isang lalaking waiter.  "Magkano po ito?" Tanong ko.


"Ah we all have everything free here in Royal City." Sabi niya. Napanganga ng literal si Prince at nagsimula nang magorder ng napakadami. Pagkahanda ng pagkain ay nilamon na niya.


"Haha nice one Prince!" Sabi ko na tawang tawa sa mukha niya na puro pagkain. Pinunasan ko yung mukha niya.  "Sabi ni sir Denver dapat mahinhin tayo kundi malalaman nila na hindi tayo taga dito".

Napangiwi siya. Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko siya sa mga boutique kasi baka libre din ang mga damit dun. Nahsukat ako ng napakaraming damit. Si Prince naman ay tumingin sa may armor section.

" Brianna try this. Bagay sayo to kapag kinasal na tayo" rinig kong salita. Tumingin ako at nakita ko ang dalawang magasawa na namimili ng damit.

"K-kasal?" Sabi ni Brianna na namumula. Haha inosente talaga. Nilapitan ko sila.  "Nageenjoy ba kayo? Ang ingay niyo eh." Sabi ko.


"Coral! May kasama ka?" Tanong ni Pierre. Tumango ako at tinuro si Prince na pinapakeelaman lahat ang armors at swords. Pinuntahan naman siya ni Pierre.

"Hmmm kasal pala ah" pangasar ko kay Brianna. Namula siya.  "Hahaha Brianna ang cute mo talaga." Sabi ko. Biglang may narealize ako.



Brianna



"Hey anong pangalan ng mother mo?" Tanong ko.

"Sabrinna bakit?" Tanong niya.
"Eh yung grandmother mo?" Tanong ko ulit.
"Annaliese" sabi niya na nakakunot na ang noo.

Usually, this demon posses a family bloodline. From it's name, anna, the name who has that word in it is an anna.

Hinawakan ko siya sa balikat.  "Brianna anong tyoe ng monster ka ba at dinala ka sa Monster University?" Tanong ko.

Tumingin siya saakin na nagsasabing hindi niya alam. She can't be a demon right?

"It's late. Shall we go back?" Sabi ni Pierre kasunod si Prince. Tumango ako at aumakay sa isang Lamborghini. Yaman!


(itutuloy...)

Monster's adventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon