#34 Attack

6 0 0
                                    

(Brianna's POV)

Inayos ko yung mga notebook ko at tumayo na mula sa napakacreepy na upuan. Nilingon ko si Prince na nagpapanic.

"Problema mo?" tanong ko. Pabalik balik ang tingjn niya saakin at sa upuan ni Coral.

"Ano kayang problema nun! Kung malaman ng mga teachers na fake siya para lang makaditch, lagot siya."

Natawa na lang ako sa inaasal niya. Ang close naman ng friendship nila. Siguro kung ako yung nagditch, tatawanan lang ako nila Prince.  Hinintay muna naming makalabas lahat ng tao sa room bago kami umalis. Well, si Jrek ang pinakaunang lumabas kaya kaming dalawa lang ni Prince.

"Tara na?" tanong ko. Tumango lang siya. Alam kong excited siya sa paghahanap kay Coral. Pag labas namin ay agad sumalubong saamin ang nagtatakbuhan na mga estudyante. Papunta sila sa iisang direction.

"Lul ano nanaman to?!" naiinis na sabi ni Prince. Di kami makadaan sa sobrang dami ng tao I mean halimaw. Parang sardinas kami dito.

Gumawa ako ng ice angel wings para makalipad kami. Binitbit ko si Prince and I can say he is heavy.

"Akala ko design lang yan? Bakit nakakalipad ka?!!" sigaw niya dahil sa lakas ng hangin.

"Di ko rin alam!!!"

Pumunta kami kung saan nangaggaling lahat ng kaguluhan. Lahat ng estudyante nakaabang sa harap ng color blue na cave, ang territory, ng water monsters. Bumaba kami dun at sonubukang pakalmahin ang mga estudyante.

"Anong nangyari?" rinig kong sabi ng mga Adventurers. Nakipagsiksikan sila sa mga tao, I mean halimaw.

"Leaders.." sabi ng isang water monster na palabas mula sa Water Monsters Teritory. May kasama siyang  dalawa na water monster rin.

"Anong katangahan to" bored na tanong ni Jrek na kararating lang.

Hindi makatingin yung tatlo. Parang nagtitinginan pa sila kung sino ang mauunang magsasalita.

"Scale. Anong nangyayari" naging seryoso na si Prince. Biglang umiyak yung babaeng kasama nung Scale. Pinatahan naman siya nung isa pa nilang kasama.

"S-si Leader po..."

Pagkasabi pa lang nun ni Scale ay agad tumakbo si Prince papasok sa loob. Pumasok na rin yung mga water adventurers. Pinigilan ng mga iba pang adventurers yung mga pasaling hindi naman water na nakikipasok. Simabihan rin nila Scale na huwag munang pumasok yung mga water monsters.

"Manahimik nga kayo."

Pagkasabi palang nun ni Jrek ay agad tumahimik ang lahat. Dahan dahan siyang pumasok. Ako? Di ko alam ang gagawin ko. Di naman ako leader--  Ay oo nga pala, leader na pala ako.

"Sandali lang, titignan ko lang yung nangayayari" sabi ko kanila Pierre. Ngumiti lang sila at hinayaan akong pumasok.

Tumakbo ako nang tumakbo sa walang hamggang kweba na ito. Kinakabahan ako sa makikita ko. Nung nakita ko ang labas, halos mawalan na akong nang hinginga.

Nakapalibot sila Jrek at yang mga water adventurer na nakatulala rin. Nakita ko si Prince na nakaluhod at di kumikibo. At ang pinakahuli, si Coral...

Tila isang bangkay na nakabukas ang mata. Yung balat niya parang nawalan ng dugo. Kulay puti ang mata niya. Hindi ko napigilang umiyak.

"What happen--- DAMN!"

Agad na nilapitan ni Sir Denver si Coral at kinapa ang pulsi nito. Agad na tumili si Ma'am Gabby at agad ring lumapit kay Coral. Andito na rin ang ibang advisers at sina Principal Sunrise at Headteacher Sunset.

Monster's adventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon