#1 The School

22 1 0
                                    


"Happy birthday Brianna!" sabi ng nanay ko saakin. Hawak hawak pa niya yung camera.

Birthday ko ngayon and Im already 17 years old. Nagcecelebrate kami ngayong gabi dahil ayaw nila ng umaga. Weird right?

"Heto ang regalo ko sayo apo" sabi ni lolo. Binigay niya saakin ang isang......... papel?

"Lolo ano po ang gagawin ko dito?" tanong ko. Susunugin ko ba toh? O kaya ipapalipad.

"Brianna nakikita mo ba yang school diyan?" tanong niya saakin at tinignan ko naman yung school dito.

Tinignan ko yung picture"Opo"

"Diyan ka magaaral"

Pagkasabi pa lang yun ni lolo ay natuwa ako. Buti na lang at lilipat na ako ng school! Madaming nangbubully saakin eh.

Im Brianna.

Shy girl

No friends

Forever alone.

At nakatira sa pamilyang weird

"Happy birthday Brianna! Sabi ng lolo mo lilipat ka ng school" sabi ni tita Jremiah. Hindi ko talaga siya tita, katulong namin siya. Pero napalapit na siya saamin kasi since birth ay nandito na siya.

"Oo nga po eh." -Me

Ngumiti siya

"Sana makilala mo yung anak ko dun!" sabi niya. May anak pala si tita

"Andali lang anak ah. Kakausapin ko lang si Jremiah" sabi ni Mom at pumunta sila sa gilid. Di ko sinasadya na marinig ang pinaguusapan nila pero narinig ko nga.

" Ibibigay mo na ba sa kanya?" ~Jremiah

"Oo. I think she's ready" ~Mom

Ready for what?

Lumapit saakin si Mom "Brianna pwede ba tayong magusap sa labas?"

Tumango na lang ako.

Lumabas kami at umakyat sa pinakamataas na puno. Pumikit si Mama at parang nagdadasal siya. Mga ilang minuto at dumilat na si Mama.

"Brianna eto yung regalo ko sayo" sabi niya sabay suot saakin ng isang relo.

Hinalikan niya ako sa noo. "May the moon protects you"

What????

"Mom anong---" pinutol niya agad yung sinasabi ko

"Halika na anak. Baka naghihintay na sila" sabi niya at bumaba sa puno.

Di ko maintindihan yung sinabi ni Mama. May the moon protect me? Tinanggal ko yung relo pero ayaw talagang matanggal. Andali nga lang.... Hindi ito relo ah! Yung buwan ang nakalagay imbis oras. Ang nakalagay dito ay cresent moon at pagkatingin ko sa langit, cresent moon din ang nakalagay! Is this kind of moon watch or what...

"Brianna bababa ka pa ba?" sigaw ni Mom

"Opo!" -Me

Pagkatapos ng party ay natulog na ako. Sabi ni lolo bukas na daw ako mageenroll at ang mas masahol pa ay magdodorm ako! Mamimiss ko sila T___T


Gumising ako ng maaga. Naligo na ako at nagtoothbrush at tsaka nagbihis. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumain.

"Goodmorning Brianna. Are you excited?" tanong ni tita Jremiah.

"Actually po hindi ko alam. Mamimiss ko kasi kayo eh" sabi ko

Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Huwag kang magalala. Oh kain ka na" -Jremiah.

"Oo nga pala. Nasaan na po sila Mom at lolo?" -Me

"Nasa labas sila inaasikaso yung sasakyan"

Kumain na ako at nagayos ng gamit. Lumabas na ako at nakita ko si Mom dun na naghihintay pero wala si lolo

"Brianna ready ka na ba?" tanong niya

"Oo at hindi..." -Me

May tumawa sa likod "Ikaw talagang bata ka" sabi ni lolo

"Saan po kayo galing?" -Me

"Kinuha ko yung mga gamit mo. May mga tao na binubuksan kaya sinigawan ko. Paano kaya nakapasok yung mga yun?" sabi ni Lolo

Kinuha ko yung malaking bag at nagulat na lang ako dahil ang bigat!

"Ang bigat naman po!" -Me

Pumasok na kami sa kotse. Nagpaalam na ako kanila lolo at tita Jremiah dahil si mama lang ang maghahatid saakin.

Dumiretso diretso lang yung sasakyan sa kalsada. Napansin ko yung sign na 'Thankyou for coming '. Hanggang nasa gubat na kami at wala na talaga akong alam sa lugar na ito.

"Shhhhh.... Brianna wag kang matakot" sabi ni Mom

Pumasok kami sa isang kweba at nagdiretso diretso lang tong kotse.

"Ma ang dilim!" sigaw ko sa takot.

Niyakap lang ako ni Mom "Di ba sabi ko sayo wag kang matakot? Makakadating din tayo" sabi niya

Tumango lang ako. Mga ilang minuto at nakalabas na kami sa kweba at gubat ulit yung nakikita ko. Pero habang tumatagal, nakita ko na yung school.

0.0

"Wait... asan tayo?" sabi ko

"Sa bagong school mo" sabi ni Mom

Pero hindi naman ito yung school na nakita ko sa papel. Sobrang lawak nitong school na to! Parang city na ewan.

Nagbukas yung gate sa school at biglang nahulog yung isang maleta ko

"Hayaan mo na yun Brianna. Mga damit lang ang laman nun. Bumili ka na lang dito" sabi ni Mom

Nagpapatawa ba siya? May mall ba dito kaya pwede akong bumili ng gamit?

Hinayaan ko na lang yung bag at tinignan ko yung pangalan ng school. Biglang kinabahan ako nung nabasa ko yun

'Welcome to monster university'

(itutuloy...)

Sorry kung bagong version to ng Monster's Adventure. Napindot kasi ng tangang awtor yung delete button kaya nagstart ulit ako T__T

Monster's adventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon