(Coral's POV)
Hindi ako makafocus sa klase. May nakapasok na demonyo? At nasa teritoryo namin? Being a leader is hard. Enebeyen. Akala ko swimming swimming lang. But atleast it is fun. Pero may nakapasok ba talaga? Paano kung pinagloloko lang ako nila?
"Coral listen!"
Tinignan ko ang aking teacher sa Monster science thingy na subject ,na galit na galit at nakatingin saakin. Nakatingin rin saakin ang mga classmate ko. I cleared my throat.
"Sorry sir"
Bumuntong hininga siya. "Pasalamat ka isa ka sa mga Leaders kundi nasa detention ka na ngayon."
Detention agad? Pasalamat ka nga pumapasok pa ako kahit boring yung subject mo! Ulol! Pinilit kong makinig. Pinilit ko talagang makinig kahit ansakit na ng mata at tenga ko kasi walang pumapasok sa utak ko.
"See you tomorrow. Wait for your next teacher." sabi niya at lumabas. Nakahinga ako ng maluwag at pinahinga ang ulo sa desk.
"Oy Coral anyari sayo?" tanong ni Prince na nasa harapan ko. Tumingin rin si Brianna na katabi niya.
"Nastress lang ata ako sa mga ginagawa natin." sabi ko. Kailangan nang maglunch para malaman ko na kung sino yung pesteng sinungaling.
"Good morning class." sabi naman ni Ma'am Sada. Naggreet din kami. Great, ngayon Math subject naman. Maboboring ako lalo. I really want to find out who is the intruder! I need to get out from this class.
Nagraise ako ng kamay. "Ma'am, I am not feeling well. May I go to the clinic?"
Nilapitan niya ako at hinawakan sa noo. " Hindi ka naman mainit. But well, here is your pass slip. You may now go. "
Ang epic ng mukha ni Prince na nakatingin saakin. Nahalata ata niya na pinagloloko ko lang si Ma'am. Natawa na lang ako at tuluyang lumabas sa room.
Binulsa ko yung pass slip kasi hindi ko naman kailangan iyon. Naglakad lakad muna ako at pinagmasdan kung may kakaiba sa campus. Hindi ako wind monster kaya di ako marunong sa pagiidentify ng mood sa air.
Dumaan muna ako sa canteen. May tatlong tao lang dun. Siguro mga nagdiditch. Nilapitan ko yung water monster. Nanlaki naman yung mata niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Medyo kinabahan na siya. Lahat ng mga monster may respect sa leaders nila kaya I am proud to be one.
"Sorry leader. Amboring kasi ng class. At nilipat si ex sa tabi ko kaya space muna ako" pageexplain niya. Natawa naman ako kaya hinayaan ko muna siya.
Pumunta naman ako sa mga facilitators ng canteen. Abala sila sa pahdidisplay ng pagkain. Napatingin sila saakin nang palapit ako.
"Good morning. Meron ba kayong napansin na kakaiba sa canteen?" tanong ko. Medyo natawa ako sa sarili ko kasi mukha akong detective. Nagkatinginan silang tatlo.
"Wala naman" sabi nung isa at nagpatuloy sa pupunas ng glass shelf.
"Anong wala" inis na sabi ng lalaking may hawak na pagkain. "Araw araw may nagtatanong saamin ng barrier crystal. Ewan ko kung ano ba yun." pagpatuloy niya.
"Ay oo nga pala. Yung nakakainis na babaeng yun! " sabi nung babae. Nagpasalamat na lang ako at umalis na.
Barrier crystal nanaman.
Wala namang ganun ang Monster City. Masyadong malakas ang mga evil aira ng city kaya di kaya ang mga barrier crystal. Nagpatuloy ako maglakad sa may Library. My favorite place.
Naalala ko tuloy nung unang pasok ko dito sa Monster's University. Taong grasya lang ako but well, now look at me.
Binati ko yung librarian. Yung librarian namin ay parang si Ursula. As in. Ang taba at may mga galamay pa. Ansama ng tingin niya saakin. Palaging beast mode to.
"Magtatanong ka rin ba tungkol sa Barrier crystal? " tanong niya. Agad akong natigilan. So nay naghahanap nga? Sino kaya yang impistor na yan.
"Kilala niyo po ba kung sino yung palaging naghahanap nh barrier crystal?" tanong ko. Umiling siya at nagpatuloy sa pagsusulat.
"Hindi ako hanapan ng nawawalang aso. At parang bago siya." sabi niya. Umalis na ako bago pa ako masigawan ni Ursula.
So sabi ng mga Canteen staffs, babae daw. Sabi naman ng Librarian bago. At water monster ang form niya dahil hindi naman siya makakapasok sa teritory ng Water monsters kung hindi.
Pumasok ako sa teritory namin. Pinagmasdan ko ang dagat. Everything is peaceful. Walang bakas na may demonyo na pumasok.
Bakit ngayon pa ako mastress? Nakakainis isipin na hindi ko masabi ang lahat ng ito sa iba kasi problema ito ng mga Water adventurer. I really need to talk to them, especially to sir Kaiser.
"Hey Leader."
Nilingon ko siya. Anong ginagawa niya dito? Alam niyang may klase pa. May 20 minutes pa before time.
"Wala ka bang pasok? Asan yung mga kasama mo?" tanong ko. Nakangiti lang siya. Why is she smiling like that?
Water monster
Babae
Bago lang sa Monster University.
Nanlaki ang mata ko at agad na umatras. Tumawa siya ng malakas. "Why the hell are you doing this? We trusted you!"
"Nope. You trusted this body. Pero katulad ng iba, this body is so lame that I possessed it." humakbang siya papalapit saakin. Biglang nanigas ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. What did he do? Naging itim ang buong mata niya.
"Memory erased." sabi niya at dahandahang lumabo ang paningin ko.
Maybe I don't deserve to be a leader after all.
(itutuloy...)
BINABASA MO ANG
Monster's adventure
FantasiaBeing a human is fun, sometimes boring as hell, and stressful. It's just our plain everyday living. What if you go to a school where everything is not normal? And you we're given a freaking mission that will risk your life? Will you turn back to tha...