(Brianna's POV)"So, ang sinasabi niyo kaya ako nandito sa leaders room ay dahil kinidnap ako?" Tanong ko kay Ultear at Coral. Paggising ko ay nandito ako. Ang weird lang ah.
"At binigyan tayo ng mission ni Sir Denver, ang rule maker. Kasali ka dahil may something sa aura mo." Sabi ni Ultear.
"Wait anong aura?" Sabay naming sabi ni Coral at nagtinginan pa kami. "Monster kayo kaya dapat alam niyo yun" sabi niya. Sorry pero di ako halimaw, sabi ng isip ko. Biglang bumukas yung pito at niluwa nun si Prince.
"Sorry Brinna! Nakalimutan kita!" Sabi ni Prince. Tumawa nang tumawa si Coral. Ngumisi lang si Ultear.
"Wait di ko parin gets. So mamaya ay may parang mission tayo kaya aalis tayo sa campus at kasali ako dahil sa aura na di ko naman alam? Wait, ansakit ng ulo ko" sabi ko at medyo hinilot ang ulo ko. Tinap na lang ako ni Coral sa balikat.
Pagkatapos ng klase ay hinila agad ako ni Prince papunta sa room namin dahil magiimpake daw kami. "Oo nga pala Brinna, kailangan daw magsuot tayo ng damit na pang royalty. Parang disguise natin para hindi tayo mamukhaang monters."
Nagdala ako ng dalawang skirts, dalawang shirts, dalawang pantulog, isang dress, madaming high socks dahil yun lang ang makita ko sa gamit ko, mga sapatos at ang favorite bear ko. Nagshower lang ako konti at nagsuot ng below the knees na dress. Para akong Maria Clara 😫
"Prince ready n--- Wow mukha ka talagang Prince" sabi ko dahil bumungad saakin si Prince na naka tux. Ngumiti na lang siya na parang nahihiya at tinulungan ako sa bagahe ko. Pagpunta namin sa gate ay si Ultear palang ang nandun.
"Hmm bagay talaga natin ang ganito" sabi niya. Tumawa si Prince sabay sabing " Mukha kaya tayong tanga"
"Guys di kayo maniniwala sa sasabihin ko" sabi ni Coral na naka blue dress at may konting corals na design.
"Nice Seashell!" Sabi ni Prince. Bagay talaga sila! "Haha thankyou! Ang gaganda nga nating lahat eh! Except si Prince kasi napaka gwapo mo" sabi niya sabay kurot sa pisngi ni Prince.
"Ay oo nga pala,si Jrek! Naka tux pero nairita siya kaagad kaya nagwala sa room hanggang nahulog siya sa bintana. Sinilip ko siya sa bintana at nagwawala parin siya!" Sabi ni Coral. Ako ang unang tumawa. That attitude just sucks. Mayamaya ay dumating na si Jrek na naka tux.
Biglang naginit ang pisngi ko. Bagay niya, sobrang bagay niya.
"Andito na ba kayong lahat? Let's go. I guess ypu have explained it to Brianna" sabi ng Rule Maker. He really creeps me out. Nakahood nanaman siya at balot na balot ang katawan niya. Tumango naman sila pero nag tsk lang si Jrek. Dahan dahan kaming lumabas sa gate. Naglakad lakad kami konti hanggang may nakita kaming golden carriage.
"Wow parang fairytail!" Sabi ni Coral. Pinasakay kami ni Rule Maker na sir Denver daw. May driver sa harapan na kamukhang kamukha niya talaga. Nakaupo na kami. Napapagitnaan ako ni Jrek at ni Ultear at sa harap naman ay si Coral, Prince at si sir.
"So habang nagbyabyahe tayo ay ieexplain ko muna ang gagawin niyo" sabi ni Sir. Nakinig naman kaming lahat maliban kay Jrek na nakatingin sa labas kaya binato siya ng baso ni sir.
"Listen, medyo brutal tong gagawin niyo. We are going to leave Monster City." Nagulat ang lahat. Kahit si Jrek. Pero medyo wala siyang pake.
"We are going to the Royal City. Makikipagtulungan tayo sa kanila pero dahil monsters kayo ay hindi nila tatanggapin. You know people, they sucks." Sabi niya muli. Napatawa si Prince pero pinatigil siya ni Coral dahil tinitignan pala siya ni Sir Denver. "Ehem,,, continue" sabi ni Prince.
BINABASA MO ANG
Monster's adventure
FantezieBeing a human is fun, sometimes boring as hell, and stressful. It's just our plain everyday living. What if you go to a school where everything is not normal? And you we're given a freaking mission that will risk your life? Will you turn back to tha...