#27 Patrol

4 0 0
                                    

(Brianna's POV)

"Nasaan na si Ultear?"

"Nasa non-monster room siya!"

"Sabi ng mga teacher, Wizard daw siya"

"Traydor!"

Lumabas agad ako nang classroom nung uwian na. Ambilis kumalat ng balita! Grabe grabe.

"Yoh Brianna" tawag saakin ni Coral at tumakbo papalaput saakin. May hawak siyang tatlong libro plus her bag. Di ba siya nabibigatan?

"Uhm... Bakit?" tanong ko sa kanya habang naglalakad. Didiretso na sana ako sa dorm pero nagyaya siyang pumunta sa library.

"May nakita akong sure na magugulat ka. " sabi niya sabay kuha ng isang libro sa shelf. Naghintay lang ako sa table. Nilabas niya ang dalawang libro. Yung isa, about Anna, the demon. Yung isa naman about fire monsters.

" ito na ba yung ikagugulat ko?" tanong ko sabay bukas sa libro ng Anna.

"Go to page 106" sabi niya. Nilipat ko naman dun. Ang nakalagay, chapter 12, The demon's slave.

Centuries ago, the demon cast a spell to a certain family of monsters. The Anna enslave that family and they have to follow every command of the demon, willingly or not.

"Nakalagay diyan na lahat ng Anna ay may slave. So every generations yan. Parang curse na yun sa family na yun kasi magkakaroon ng physical pain ang katawan nila pag hindi nila sinunod ang mga Anna." sabi ni Coral. Binasa ko lang yung libro.

"So may slave ako? Uhhh"

Di ko alam kung matutuwa ba ako. Siyempre medyo naexcite ako dahil may bago sa buhay ko na hindi ko alam, pero yung physical pain? Not so much.

"Yes. At ang last name ng family na yun ay Lethal." sabi niya na napakalawak ang ngiti. Why do I  feel creepy in that smile?

"And do you know people who is Lethal?" tanong ko na medyo naawkwardan sa ngiti niya. Parang ansaya niya. Mas masaya pa kaysa saakin.

"Hmm" napahawak siya sa baba niya na kunwari nagiisip pero nakangiti parin.  "Let say na yung roommate ko Lethal ang last name."

"Ehh? Sino ba ang room mate mo?" tanong ko habang nakakunot ang noo. So andito sa Monsters University yung magiging slave ng generation ko? Poor him. Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Coral.

Ang nakakunot na noo ko ay napalitan ng pagkadismaya nung nagsink in sa utak ko yung mga sinabi niya.

"No way."

"Yessss wayy!!!"

Napafacepalm ako. Si Jrek????!!!! Baka ako pa yung maging slave niya kung sakali.

"M-malay mo mali yung libro" sabi ko at sinara yung libro. Tumayo ako at pumunta na sa Dorm. Nakasunod naman saakin si Coral pero naghiwalay na kami kasi sa pinakalast floor pa siya.  Pumasok ako sa room namin ni Prince at nakita ko naman siya na nakaupo sa dining table. Yes, sa table.

"Hoy anong ginagawa mo diyan?" tanong ko. Nagulat ata siya sa pagdating ko kaya nahuog siya. Agad ko siyang tinayo.

"Hinihintay kita kasi may ipinapasabi si Denver. Pero napaisip ako kung anong pakiramdam na umupo sa lamesa." sabi niya at umupo sa upuan. Tumawa na lang ako sa sinabi niya at umupo sa upuan na nasa harap niya.

"Ano nga pala yung pinapasabi niya?" tanong ko at kumuha ng bacon na niluto niya ata.

"May meeting daw tayo mamayang midnight."

Nabulunan ako sa sinabi niya. Midnight? Tinignan ko siya na tumatawa.  "Joke lang lol hahahahhaa!" sabi niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Pero mamayang 8:30 yung meeting, sa leaders' room" sabi niya at kumain na rin. Nagpalit ako nang pangtulog bago kami lumabas ni Prince. Dumeretso kami sa leaders room. Ang mga Monsters pa lang ang nandun.

Monster's adventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon