(Brianna's POV)
Hawak hawak ni Pierre ang kamay ko habang pabalik sa leader's room. Pulang pula ako. Hindi ba siya nahihiya na pinagtitinginan kami?
"Ano yan?" sabi ni Nichole at bigla na lang kami inasar ng human adventurer. Even Ethan!
Agad kong binawi ang kamay ko nung nakita ko na paparating na rin si Hailey. Ayoko ng away. Last time na nagselos si Hailey, muntik na akong masunog. He really loves Pierre.
Nagpaalam ako kay Pierre na ngiting ngiti bago bumalik kanila Prince. Agad na nangasar si Prince at medyo umiwas na lang ako sa mga tanong niya.
"Alah bat magkaholding hands kayo ni Pierre!" biglang sulpot ni Coral. "Bagay kayo, pero mas ship ko kayo ng roommate ko."
"Lul Seashell? Gusto mo bang masunog si Brina? Alam mo naman na walang hiya si Jrek." sabat naman ni Prince.
Why would Jrek like me? There is no reason at all. And wht would I like him back? He insulted me in every ways. Speaking of him, tumahimik na yung dalawa nung papalapit na siya saamin. Nakita ko lang ang pagmumukha ni Jrek ay kumulo na ang dugo ko.
"And you are stabbing me with your eyes because?" sabi ng magaling niyong Jrek. Napansin niya siguro na binabato ko siya ng masamang tingin.
Buti alam mo! "Ish. Bahala ka diyan. Slap yourself!" sabi ko at inirapan siya. Bakit ambilis ng mood swings ko?
"Anong sla---"
Nagulat kaming apat nung sinampal nga ni Jrek ang sarili niya. Ay oo nga pala, he is my slave. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Tinignan niya ako ng nakamamatay niyang tingin at akmang susugurin ako.
"Uhhh, Kneel! " sigaw ko at sa isang iglap, nasa sahig na ang tuhod niya. Ganito lang pala kadaling labanan ang Volcano King. I'm enjoying this thing!
"So monsters, I will tell you something before you go back to your rooms" sabi ni Sir Denver at lumapit saamin. Medyo nagtaka siya kung bakit nakaluhod si Jrek, pero tumahimik lang siya.
"We discovered that the demons are planning to take over the Monster's City."
Hindi na ako nagulat sa sinabi ni sir kasi narinig ko yun sa mga kalaban namin nung unang yapak ko sa Lethal forest. Agad na nagtanong sina Coral at Prince.
"How? What???" ~Coral
"Lul walang barrier crystal dito!" ~Prince
Barrier crystal? Naalala ko yun. Ginamit namin ang barrier crystal na kayang sumakop sa Royal City. Naalala ko pa nung umakyat ako sa bubong at muntik patayin si Pierre. Uhhh,,, at dun rin pala yung first kiss ko...
"Your right but this is our conclusion to their plan. How can they take over? Monster's City is one of the dangerous place in all lands." sabi ni Sir at napahawak rin sa baba.
"Narinig ko sila na kukunin nila ang lahat ng barrier crystals ng mga city." sabi ko. Bakit di ko sinabi to nang mas maaga?
"From different cities huh?" sabi ni sir na naka hawak parin sa baba.
"Siguro gagamitin nila yun para malakas ang barrier sa Monster's University." sabi ni Coral habang pinaglalaruan ang blonde niyang buhok.
"Or, they might use it to the cities para iblackmail sila na labanan ang mga monsters. " sabi naman ni Prince.
Hindi na namin inabalang tignan si Jrek dahil di rin siya sasagot. Baka nga masakit na salita nanaman ang lalabas sa bunganga niya. Bakit kaya siya ganun?
"Well thanks for that short meeting. You may now go back to you rooms. It is almost 4:00. Thanks for your time anyways."
Lanta akong bumalik sa room ko. Hindi ko na hinintay si Prince. Naghilamos ako nang kaunti bago humiga sa kama. Hindi na ako nagpalit ng pantulog. Suot suot ko parin ang jogging pants ng school since ito ang ginagamit ko kapag magpapatrol kami. Buti na lang 10:00 ang start ng klase kaya may at least 6 hours akong tulog.
(Coral's POV)
"Sige Prince goodnight! Ay goodmorning pala" sabi ko kay Prince at lumabas na sa elevator. Agad akong pumunta sa room namin ni Asungot at pumunta sa room ko. Humiga ako ng maluwag dahil makakapagpahinga na ako. Hindi ko sinara yung pinto kasi alam ko na papasok rin si Jrek.
Kinaumagahan, masaya akong bumangon at naligo. I feel excited everyday! Naging challanging ang buhay ko ever since ininom ko yung inumin nung former water leader na si Christine. Palagi kong kinakausap ang mga water monsters every morning para bigyan sila ng task. Tapos ma50-50 ang buhay ko kapag may kriminal na gustong pumasok sa Monster University.
Masyadong closed ang school na ito. I wonder kung namimiss ng mga students ang parents nila na nasa Monster City, mga dalawang kilometro ang layo from this school.
"Morning Jrek!" sabi ko habang nagsusuot ng sapatos. As usual, isang hangin lang ang bumati saakin. Sanay na ako. Jrek is a monster version of a robot. Nakaprogram lang ata siya na maging masaya kaoag kasama si Prince since friend sila, at nakaprogram din siyang maging bastard.
Late si Jrek kaya hindi ko na siya hintay. Hindi ko talaga siya hinihintay kapag papasok ng class tuwing umaga.
Dumiretso ako sa blue cave kung saan naglelead sa teritory ng water monsters. Andito rin ang mga water fairies, wizard, royals at humans. Dun sa maliit na bahay ko sila pinapatulog. Bawal naman sila sa dorm.
Agad na nagpay attention ang mga water monster na nandito na. Nagline sila sa gilid ng beach. Binati rin nila ako. Being a leader is fun!
"Morning!!!" sigaw ko. "Wala namang problema sa school. At sana wala ding problema ang beach" sabi ko at nilingon ang napakagandang beach dito sa water teritory."May nahuli kaming intruder!" sigaw ni Scale. Nilingon ko naman siya. Sinenyasan niya ang mga kasama niya na ipakita saakin yung lalaki.
Hinagis nila sa harapan ko ang isang late 40's na lalaki. Halatang masamang tao sa itsura. Andaming aura canceller sa katawan niya.
"Nakalasok siya sa school nung isang araw pa. At hinahanap niya ang treasure room ng Monster University" sabi ni Scale. Ito ang ayaw ko. May sariling pera ang Monster University dahil stand alone ang lugar na ito at masasabi kong mas maraming pera ang meron dito kaysa sa city.
"Did he hurt someone?" tanong ko. Tumango silang lahat.
"Nasa hospital na sila Pearl na may malaking galos sa paa at si Kurf na may malaking impact sa ulo. Kagabi lang to nangyari leader!" sabi naman ni Wave. Naiinis talaga ako kaya nasamoal ko yung lalaki.
"You are not leaving our school's jail. Sana naisip mo yun bago ka sumugod rito." sabi ko kay Tanda bago siya ilayo saakin ng mga kasama ko. Hinilot ko nuna yung ulo ko. Stress talaga. Pero fun.
"Sorry, busy ako masyado kaya hindi ko na napansin nung nakaraang gabi na may nakapasok." paumanhin ko sa kanila. Agad naman silang nagsabi ng okay lang. Nagadjourn na ako ng meeting kaya pumunta na sila sa kanikanilang klase. Dumiretso muna ako dun sa maliit na bahay at tinawag yung mga bisita.
"Ouyy gising naa!" sabi ko sabay katok sa pinto. Binuksan naman ito ni Nichole na halatang pagod parin.
"Damn, I really hate school" sabi niya at pumasok ulit, para ata magbihis. Punasok ako sa loob at nakitang nakahandusay pa rin yung tatlo. Wala silang kama kaya sa sahig sila, maliban kay Prince Raved na nasa sofa.
"Mga pips gising na. May klase pa kayo" sabi ko habang tumatawa. Nakabusangot na tumayo si Walter at hinila ang sarili papunta sa dining area. Nagsuklay naman muna si Raved bago maligo. Tinulak tulak ko pa si Shark bago bumangon.
"Your don't need to be rough babes" banat saakin ni Shark na pinabayaan ko lang. Hinintay ko muna silang matapos bago ko sila inihatid sa kanilang classroom.
"Oo nga pala Coral" sabi ni Walter the fairy. "May isang demon na nakapasok sa teritory niyo. Nakadisguise daw yun sabi ni Sir Kaiser."Napakunot naman ang noo ko. Seriously, kailangan kong magfocus dahil marami nang nakakapasok sa school.
(itutuloy ....)
BINABASA MO ANG
Monster's adventure
FantasyBeing a human is fun, sometimes boring as hell, and stressful. It's just our plain everyday living. What if you go to a school where everything is not normal? And you we're given a freaking mission that will risk your life? Will you turn back to tha...