Dati'y inaasam kung sambitin mo
Mahal kita at may pag-asang maging tayo
Subalit ano ang napala ko?
Hinanakit at sakit ng pusoNoon, pangarap kasama ka ay nabuo
Walang mababakas na pagsuko
Subalit ngayon ano ito?
Tuluyan na bang susuko?Mahal kita! Oo mahal kita
Kaya nga ako nasasaktan diba?
Pero wala akong magagawa
May mahal ka namang ibaAlam ko naman kung saan ako lulugar
Gusto ko lang talagang sumugal
Habang taon ay umaandar
Tadhana'y sumasagabalNgayon ay wala na
Gusto ko na lang tumakbo at bumalik bigla
Sa araw na napagtanto kong mahal kita
Para sana'y napigilan ang nadarama.-September 9, 2016