Laban

167 0 0
                                    

Ipinaglaban kita sa kanilang pang-aapi
Sa kanilang pang-aalipusta
Sa kanilang mga mata na puro panlalait ang nasasalamin
Sa kanilang mga bunganga na puro masamang salita ang sinasabi

Ipinaglaban kita sa mga taong hindi ka naman kilala
Sa mga taong walang magawa
Sa mga taong lubos kung ngumawa
Ipinaglaban kita, pero sakit lamang ang aking nadama

Ipinaglaban kita ng hindi ko namamalayang unti-unti na pala akong natutumba
Ipinaglaban kita pero ako na pala ang kanilang inaalipusta
Ipinaglaban kita ngunit ako na pala ang laman ng kanilang panlalait
Ipinaglaban kita ngunit nakalimutan ko ang aking sarili.

Ngayon, ipinadama mo ang sakit
Ipinadama mo ang hapdi at pait
Ipinaranas mo kung paano matalo at lumuha sa labanan
Itinuro mo ang daan palabas ng digmaan

Ngayon, nahinuha ko na
Hindi ako sundalo upang patuloy na lumban pa
Hindi ako sundalo na hindi sumusuko at susugod pa kahit pagkatalo ay nakahain na
At lalong hindi ako sunadalo na handang mamatay para sa ipinaglalaban niya.

Ngayon, unti-unti kong binabangon ang sarili ko sa pagkakadapa
Unti-unting hinahanda ang mga paa upang tumakbo na
At iiwan ka
Oo! Iiwan ka! Sa gitna ng labanan na ikaw ang ipinaglalaban.
At pagkatapos, ako'y magtitirik ng krus na tanda ng kamatayan
Kamatayan ng pagmamahal na sa iyo'y aking naramdaman
Dahil tapos na ang labanan
Labanan ng pagmamahal na sa huli ay isa lang ang naging sugatan.

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon