Ilang beses na bang itinatanggi?
Ang nararamdamang natatangi
Kailan ba masasabi?
May gusto ako sa iyo oh "thani"Lihim na kay tagal kinupkop
Bibig ay laging tinututop
Nag-iipon ng lakas ng loob
Isinasawalang bahala ang mga maling kutobTuwing nakikita kita
Gusto ko na lang sabihin bigla
Subalit bigla-biglang maalala
Marami pala sila na kaagaw ko sa iyo sintaKaya't hanggang ngayon, nararamadaman ay pinipigilan
Pagkagusto sa iyo'y pinipilit na huwag ipagsigawan
Napakahirap kasing ipaglandakan
Ang aking tunay na nararamdaman.~October 14, 2016