Ala-ala

145 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba ang mga panahon na masaya tayo?
Mga panahong ikaw ang dahilan ng saya ko
Mga panahong ikaw ang dahilan ng bawat ngiti na nakapaskil sa mukha ko
Mga panahong ikaw ang dahilan ng mga tawa ko dahil sa kakornihan mo
Mga panahong may ikaw at ako na pinagbubuklod ng salitang "tayo"

Naalala mo pa ba ang mga panahon na kung saan-saan tayo nagpupupunta
Mga panahong lagi tayong magkasama
Mga panahong kung saan-saan tayo nakakarating
Mga panahong magtatanong ka kung saan tayo tutungo
"Kahit saan basta kasama kita" ang laging sagot ko

Ngunit dumating ang araw na bigla lang kumupas ang tayo
At napalitan ng kayo
Kayo! Oo, kayo!
Kayo na parang minsan sa mundong ito ay hindi nagkaroon ng tayo

Naaalala ko pa ang mga bagay na tinuro mo
Mga bagay na kahit maliit na detalye ay hindi makalimutan ng puso't-isip ko
Nakatatak pa rin sa isipan ko
Sa buo kong pagkatao
Ang dahilan ng kasiyahan ko
At dahilan din ng aking sobrang panlulumo

Naalala mo pa ba?
Ah siguro hindi na
Marahil ang ala-ala natin ay napalitan na ng sa inyong dalawa
Marahil burado na sa isip at puso mo kung paano ang pakiramdam kapag kasama ako
Dahil andiyan na siya, pinalitan na ang salitang ako

Pero bakit ako naaalala ko pa?
Ang pakiramdam kapag kasama kita
Ang pakiramdam kapag nasa tabi kita
Pakiramdam kapag kausap ka
Pakiramdam na parang buo nanaman ang araw ko dahil nakita kita

Naaalala ko pa ang tunog ng iyong halakhak
Na minsan sa akin ay nagbigay galak
Kung paano ka lumingon kapag tinatawag kita
Na kung paano ka ngumiti kapag naglolokohan tayong dalawa
Kung paano ka nanahimik ng nagseselos ka
Kung paano ka magalit ng may ginawa akong masama

Naalala ko pa kung paano ka ngumiti ng masulyapan mo ako na nakatingin sayo
Kung paano ka ngumiti ng makita mong pinapanood kita sa ginagawa mo
At ng kung paano mo inangat ang salamin para masulyapan ako

Naaalala ko pa yung pakiramdam na hawak mo ang kamay ko
Naaalala ko pa ang mga katagang sinabi mo
Naaalala ko pa ang mga pangakong minsa'y pinang hawakan ko
Naaalala ko pa ang amoy ng pabango mo na alam ko na agad na nandiyan ka na kapag naamoy ko ito
Naalala ko pa na pasimple kitang inaamoy kapag magkasama tayo
Naaalala ko pa na parang ok na ang lahat sa paligid kapag magkatabi tayo at nakapatong ang ulo ko sa balikat mo
At naalala ko pa lahat ng pang-aasar mo na kahit nasa daan tayo
Naalala ko pa kung paano mo ako pahalagan, ipagtanggol, at itinuring na parang prinsesa mo.
Naaalala ko pa. Naaalala ko pa yung tayo.

Pero hindi lang iyan ang naaalala ko
Naaalala ko rin na kung paano mo siya tignan kapag magkasama kayo
Paano mo siya pahalagahan ng nandiyan siya tabi mo
Kung paano ka ngumiti sa kanya na dati sa akin mo lang ginagawa
Kung paano mo siya pinagtanggol at
Kung paano mo gustong makipagsuntukan sa taong kaaway niya

Naalala ko rin noong panahong sinabi ko sa sarili ko "ako lang dati iyan"
Yung kung paano ako umiyak dahil hindi ko na alam
Yung kung paano mo ako iniwan na hindi ko alam ang dahilan
Na kung paano mo akong trinatong parang wala na lang
Kung paano nagkaaroon ng kayo at paano nawala ang tayo na ang natira na lang ay ako

Naalala ko pa ang mga bagay na sana hindi na
Na sana kumupas na lang din kagaya ng pagkupas nating dalawa
Na sana tinangay na lang ng hangin sa lugar na hindi ko na makita
Naalala ko pa at nasasabi ko pa rin sa sarili ko na ang sakit pa talaga.

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon