Kaibigan

150 2 0
                                    

Sa rami ng "ayaw ko na" na sinabi mo
Kailan ko aasahan ang pagsuko mo?
Kailan ka magigising sa bangungunot na dulot niya?
Kailan ka kikilos at titigil na?

Naalala mo pa ba?
Ang mga panahon na sinabi mong tapos ka na
Mga panahong sinabi mong wala na
Na kaibigan lang... Kaibigan na lang talaga

Subalit ano ang nakikita ko sa iyong mga mata?
Luha? Luha na dahil nanaman ba sa kanya?
May mahal siyang iba
At ikaw? Kaibigan ka lang para sa kanya

Ilang ulit na kitang sinabihan
Ngunit tila binabalewala mo lamang
Ilang ulit na kitang binalaan
Pero hinintay mo lang na lumalim pa ang iyong nararamdaman

Sabi ko naman sayo
Huwag kang magpatangay sa mga kilos at salita nito
Sapagkat hindi mo alam kung ilan kayo
Kung ilan kayong kanyang niloloko

Oo! Sabihin na nating nag-aalala siya para sayo
Pero diba narinig mo naman na mismo?
Kaibigan. Iyan ang tingin niya sayo
Huwag kang tanga at nagpapaloko

Sabi mo nga dati tapos na
Nakamove on ka na nga diba?
Bakit ngayon nakikita ko ang selos sa iyong mga mata
Nang nakita mong magkausap sila ng dati niya

Sabi mo pa nga, lokohan na lang
Na sasakyan mo na lang ang trip niya
Dahil ayaw mo ngang lumayo siya
At ayaw mong malaman niya na gusto mo siya

Anong humila sa iyo pabalik?
Ano ang nagtulak sayong dumikit ulit?
Anong nakain mo't nakalimutan mo lahat ng nalaman mo?
Anong naisip mo't kinalimutan mo lahat ng sinabi ko?

Alam kong gustong-gusto mo ang pakiramdam
Yung malapit siya o nasa tabi mo siya
Yung amoy niya na mas bumabango kapag pinag papawisan siya
Yung paninindigan niya at kung paano siya magsalita

Yung pag-aalaga at pag-aalala niya
Yung kamay niyang ilang ulit mo ng binalak hawakan
Yung tangos ng ilong niya
Yung boses niyang gusto mong laging naririnig

Yung pakiramdam na gusto mo siyang laging kausap
Yung mukha niyang kailangan mo pang mag angat ng tingin sapagkat ang tangkad niya
Yung maliliit ba bagay sa kanya
Yung siya! Yung lahat sa kanya

Pero kailangan mong isipin na iba ang tipo niya
Kailangan mong isipin na may mahal siyang iba
Kailangan mong isipin na maraming nakapalibot sa kanya
At higit sa lahat, kailangan mong magising sa katotohanan na kaibigan ka lang para sa kanya.

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon