Sabi nila'y magpaalam na sa mga tula
Na isinulat para sa mga taong hindi naging tama
Ngunit kailan man ay hindi ko ito ibubura
Sapagkat sila ang ala-ala na minsa'y naroon kaAng huli ma'y hindi naging maganda
Subalit ang simula ay mahiwaga
Na ang gitna ay parang nasa alapaap ka
Na minsan, tayo ay naging isaHindi kailan man buburahin ang mga ala-ala
Sapagkat sila ay paalala
Na minsan sa buhay ko ay dumating ka
At pinaramdam sa akin kung ano ang sakit at saya