Pagbabalik-tanaw (revised tagalog version of Smile)

304 1 0
                                    

Ako'y nabighani noong una kitang nakita
Natatandaan ko pa pala?
Ikaw ay nakaupo sa harapan
Habang ako ay nakatayo upang sabihin ang aking pagkakakilanlan

Noong una'y napangiti ako
Nasilayan ko ang napakagwapong pagmumukha mo
Subalit ng naglaon ako ay nabahala
Ugali mo pala'y sadyang 'di kaaya-aya

Itinuring kitang kaaway sa loob ng maraming taon
Ipinangako sa sarili'y hindi magkakagusto sa iyo kahit sa pagdating ng panahon
Ngunit sadyang tadhana'y mapanghamon
Ito ako, humahanga sa iyo ngayon

Ang iyong matangos na ilong at magandang mga mata
Isama mo na ang prominente mong panga
Hindi inaasahang maakit ako ng dahil diyan
At matibag ang pader sa ating pagitan

Kaakit-akit na kulay-rosas na labi
Wala na nga yata ako masabi
Lalo na kapag nasisilayan ang iyong mga ngiti
Ang titigan ka ay sadyang nakawiwili

-September 19,2016

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon