Puso, tama na!

164 0 0
                                    

Nang lugmok ako sa kasakitan, nariyan ka
Ikaw ang nagsilbing takbuhan ko ng mga panahong sobrang sakit na
Nagsilbing sandigan ko
Pinagkukunan ko ng lakas sa mga panahong hinang-hina na ang puso ko
Hinang-hina ng mahalin siya sapagkat sobrang sakit na

Sa bawat takbo ko palapit sayo at palayo sa sakit na dulot niya
Hindi ko namalayang tumatakbo na pala ako sa panibagong sakit
Sa bawat pang-aalo mo sa akin ay makakaramdam ako ng panibago.

Sa bawat hagod sa likod, sa bawat sabi ng "ok lang yan, may iba pa diyan yung karapat-dapat"
Naisip ko na oo nga may iba pa.

Bawat matatamis na salita at galaw mo
Noong una'y alam kong parte lang ng pagkakaibigan
Hindi ko pinansin
Hindi ko binigyan ng kahulugan.

Dumating ang araw na sinabi mo ang mga katagang "ikaw ang gusto ko" at "mahal kita"
Doon ko binigyan ng kahulugan ang lahat ng bagay
Subalit ng tinanong kita kung sino ako para sayo
"Kaibigan lang" simpleng sagot mo.

Nahulog nanaman ako sa maling tao
Ang tanga ko
Akala ko may iba na sa mga sinabi't pinakita mo
Kaibigan lang pala ako.

Puso, tama na!
Kung magmamahal ka ulit, huwag sa maling tao na
At mas lalong huwag sa kaibigan mong ang tingin sa iyo ay simpleng kaibigan lang pala
Puso, tama na!
Para sa huli, hindi ka na masasaktan at iiyak pa

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon