Mahal, balik ka na

122 2 0
                                    

Pwede ko bang sabihing masakit?
Pwede ko bang ipagsigawang mapait?
Pwede ko bang sabihin na ayoko na?
Pwede ko bang sabihin sayong balik ka na?

Balik ka na mahal, miss na miss na kita
Bubuoin pa natin mga pangarap natin diba?
Magiging abogada ako at pulis ka pa diba?
Gagawa pa tayo ng sarili nating pamilya

Balik ka na mahal, papatawarin naman kita
Ituloy na natin yung naudlot sa ating dalawa
Ituloy na natin yung pagmamahalan na naglaho nung nakilaka mo siya
Abutin natin yung mga pangarap na binuo nating dalawa

Mahal ayoko na
Pagod na akong magpanggap na okay lang ako sa harap nila
Pagod na akong ngumiti kapag pangalan mo ang sinasabi
Pagod na ako sa aking pagkukunwari

Kasi mahal ito ang totoo
Miss na miss na talaga kita sa tabi ko
Miss ko na kung paano ang mga kamay mo ay nasa kamay ko
Na parang nagsasabing hawak ko ang mundo

Miss ko na ang mga ngiti mo
Ang mga tawa mong nagpapasaya sa araw ko
Ang mga biro mong puro kakornihan para lang mapatawa ako
Miss na kita dito, dito sa tabi ko

Miss ko na kung paanong isang text mo lang ang bumubuo sa araw ko
Miss ko na ang pakiramdam kapag naririnig ko ang boses mo
Miss ko nang makita ang pangalan mo sa inbox ko
Na bawat pagtunog ng cellphone ko ay alam ko na kung sino

Miss ko na yung mga panahong nagsusumbong ako
Sinusumbong ang mga lalaking gusto akong agawin sayo
Miss ko na yung mga salita mong "miss na talaga kita"
Miss na miss na talaga kita

Miss ko nang sumakay sa motor mo
Tatanungin mo ako kung saan tayo tutungo
Pero lagi lang namang iisa ang sagot ko
"Kahit saan basta nandito ka sa tabi ko"

Miss ko na yung pakiramdam kapag lalapit ka
Lalo kapag katatapos ng laro niyo at pawis na pawis ka pa
Miss ko na yung bawat kilig na nararamdaman kapag nandiyan ka
Miss na miss na talaga kita

Miss ko na yung bawat pagbabawal mo
Yung pagsisiguro mo kung nakauwi na ba ako
Yung panahong updated pa ako sa lahat ng ganap sa buhay mo
Yung panahong ako pa yung mahal mo

Miss na talaga kita
Yung kung paano ang bawat detalye ng pagkatao mo ay kabisado ko na
Yung hindi ko na kailangang manibago dahil kilala na kita
Pero wala na akong magagawa, hawak ka na ng iba

Inintindi naman kita nung kailangan mo
Hindi ko naman tinanggihan bawat hiling mo
Nung sinabi mong matutulog ka na kahit masama pa ang loob ko sayo
Hinayaan kita kasi alam kong iyon ang kailangan mo

Diba ang usapan walang maiiwan?
Diba ang usapan walang mang-iiwan?
Pero mahal asan ka na?
Bakit iniwan mo na akong mag-isa?

Bakit sumama ka na sa iba?
Bakit iniwan mo na ako bigla?
Sana naman ay nagsabi ka
Para hindi ko na inasahan na hanggang dulo na tayong dalawa

Mahal please lang balik ka na
Kahit bilang kaibigan na lang ulit muna
Para malinawan ako kung lalaban pa ba
O para matanggap ko sa sarili ko na wala na talaga

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon