Papakawalan kita
Hindi dahil sa ayaw ko na
Hindi dahil sa ako ay nagsawa na
Kundi dahil alam kong ito ang tamaIto ang tama
Sapagkat nasisilayan ko sa iyong mukha
Nahihimigan sa iyong pananalita
Ang saya kapag ang usapan ay siya naPapakawakan ko ang nararamdaman
Sapagkat sa akin lang din naman
Ang nararamdaman ay hindi magkatulad
Sapagkat sa iyo siya'y walang katuladIto ang alam kong tama
Kaya lahat ng pagkakamali ay aking itatama
At kung ang ibigin ka ay pagkakamaling kailangang maitama
Edi tama na!Papakawalan ka na
Hahayaan ka na
Ipagdadasal na lamang ang saya sa kanya
At sa huling pagkakataon sasabihing "mahal kita"