Alam kong huli na
Paggawa ko nitong tula
Pero pasensiya ka na
Kinain lang ako ng galit na nadaramaGusto sana kitang batiin ng maligayang kaarawan
Subalit mas ginusto kong ikaw ay iwasan
Lalo na't hindi ko na kayang ipaglaban
Itong pag-ibig na nararamdamanMinsa'y tinanong ko sa iyo
Masakit ba ang ginawa ko?
"Kaya kong tanggapin lahat ng sakit" wika mo
Dahil doo'y lubos akong nagsusumamoPatawad mahal ko
Ikaw nanaman ay nasaktan ko
At hindi man lang kita nabati sa kaarawan mo
Kinakain na tuloy ako ng konsensiya koSana ay huwag kang magtanim ng sakit
Ng loob sa akin at magalit
Huwag mo rin sana akong balewalain
Pagkat hindi ko ito nanaisin.-September 9, 2016
A.N: So sa sinulat ko, obvious naman na the day before September 9 ang kaarawan ng taong tinutukoy ko.