Malandi

292 2 0
                                    

Kailan ka ba mawawala?
Ikaw na lang ba ang laging dahilan ng pagkasira?
Pagkawala  ng tiwala?
Paghihiwalay ng dalawa?

Kailan mo ba tatantanan?
Buhay naming puno ng pagmamahalan
Paano na ang aming kinabukasan?
Kung palaging kang nakaabang diyan?

Sana'y tanggapin mo na
Akin siya at wala ng iba
Huwag ka na sanang gumawa
Paraan para masira kaming dalawa

Alam mo, napakalandi mo
Akin na siya pero patuloy pa rin ang habol mo
Ganyan ba talaga ang gusto mo?
Manglimos ng pagmamahal sa taong mahal ko.

~October 2,2016

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon