Ikaw ay sobrang nakakalito
Paiba-iba ang mga senyales na binibigay mo
Minsan kung makasnob ka ay wagas
Kadalasa'y sweet kang walang kupasPusong lito, ano ang gagawin nito?
Maniniwala ba sa iyo?
Bibigyan ba ng pagkakataon ang nararamdaman mo?
O sadyang ako lang itong umaasa sa iyo?Ayoko ng umasa baka masaktan lang ako
Ayoko ng mahulog baka walang sasalo
Takot na akong magmahal at sumugal
Takot na akong maging second choice ng aking mahal~September 23,2016