'Mahal kita' rinig kong wika mo sinta
Ngunit mahal nga ba talaga?
Mahal na kagaya ng pagmamahal mo sa kanya
O pagmamahal na higit pa?Ilan ba kami sa puso mo?
Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko
Ngunit hindi matatanong- tanong sa iyo
Takot na malaman ang totooKung papipiliin ka sa aming dalawa
Ako ba o siya?
Hindi na ako aasa
Alam ko na ang sagot mo twinaHindi porke kuntento ako
Sa anumang mayroon tayo
Huwag naman ako ang laging takbuhan mo
Kung sinaktan ka niya at nag-away kayoNaisip mo ba?
Saan ako tatakbo kapag nasaktan na?
Kanino ako manghihingi ng tulong kung kailangan sana?
Kanino ako kakapit kapag hinang-hina na?'Mahal kita' araw- araw mong naririnig sa akin
Subalit 'di mo pinapansin
'Mahal kita' paulit-ulit kong pinadarama
Subalit iyong binabalewalaSana sa pagdating ng araw alam mo na
Kung sino ang pipiliin mo sa aming dalawa
At kung sakaling siya pa rin at hindi ako
Tatanggapin ko ng buong puso