Palasyo

386 2 0
                                    

Minsa'y naitanong ko sa aking sarili kung tama pa ba
Ang ipagpatuloy ang nararamdang 'di kakaya-aya
Ang pagmamahal sa taong alam kong wala akong pag-asa
Dahil may mahal na siyang iba at ako ay pansamantala

Rinig na rinig ko ang mga salitang saki'y nagpabago
Kung gaano mo siya kamahal at kung ano ako sa'yo
Kaya ngayo'y alam ko na ang kasagutan sa aking tanong
Mali na! Pag-ibig ay huwag ng hayaang muling umusbong

Siguro ngayon ay lubos mo na itong ipinagtataka
Pagiging ilag ko at pag-iwas na dati'y 'di ko magawa
Pero tandaan mo, pinapalaya ko lang ang sarili ko
Sa mga pangarap na kasama ka na minsa'y aking binuo

Dati'y sabik akong ikwento, ganito sa isang palauo
Palasyo kung saan ikaw ang hari at ako ang reyna mo
Pero ng dahil sa isang napakasakit na salita mo
Ang napakatayog na palasyo ay bigla na lang gumuho.

-September 13,2016

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon