Gaano ba kahirap ang kalimutan ka?
Na sa bawat sulok ay ikaw pa rin ang nakikita
Na sa bawat pagpikit ng aking mga mata,
Nagpapakita ang mga ala-ala nating dalawaGaano ba kahirap ang magsimula?
Na sa pagkakataong ito'y hindi ka na kasama
Sapagkat ang dating tayong dalawa
Ay naglaho na lamang na parang isang bulaPaano ba iibahin ang takbo ng kwento?
Kung naririto ka pa rin sa puso't-isip ko
Na tila ba ang pangalan mo'y nakatatak na rito
Na parang nagsasabing "akin ang iyong buong pagkatao"Paano ba ang kalimutan ka?
Paano ba ulit magsimula?
Paano ba papatigilin ang luha sa aking mga mata?
At paano susuwayin ang pusong sumisigaw ng "mahal kita"?