Ang sarap hawakan ng iyong mga kamay
Tila'y sa ulap ako'y bumabaybay
Ayaw ko na nga sanang bitawan
Subalit ito'y kinakailanganTuwing tayo'y umiindak sa saliw ng musika
Pakiramdam ko'y sobrang saya
Ang iyong kamay sa aking baywang
Kiliti ang hatid sa aking katawanKamay sa kamay, mata sa mata
Kung tignan mo ako'y parang nasa alapaap na
Direksiyon ng iyong mga paa'y ako'y napapasama
Hawak mo ang baywang ko na tila ayaw nang pakawalan paSubalit dumating nga ang araw
Kung kailan ito na ang ating huling sayaw
Ninanamnam ang bawat sandali
Sapagkat pagkatapos nito ay balik sa dati.~October 12, 2016