Tinanong mo ako kung pwede ba
Ligawan ako at mapasa iyo
Sinagot ko ang tanong mo
Bawal pa at hindi pa ako handaSagot mo naman ay maghihintay ka
"Kahit kailan basta maging akin ka" linya mo pa nga
Diba nga sabi mo gusto mo akong alagaan
At mahalin hanggang kadulu-duluhanHindi kita pinayagan
Hindi kita pinagbigyan
Takot na kasi akong sumugal
Baka sa huli ako ulit ay masaktanPero pinilit mo
Sinabing kahit hanggang bestfriends lang muna tayo
At kapag pwede ng maging tayo at handa na ako
Gagawa at gagawa ka ng paraan para mapasayo ako.....at pinagbigyan kita
Hanggang sa araw-araw na tayong magkasama
Araw-araw na tayong magkausap
Namimiss kapag wala
Hinahanap- hanapUnti-unti ng nahulog ang loob ko sayo
Unti-unti kong natutunan ang pagkatiwalaan ka
Unti-unti kong naranasan ang totoong saya kapag kasama kita
At higit sa lahat, unti-unti na ulit akong natutong magmahalMahal, kapit lang huh?
Diba't sabi mo hihintayin mo ako hanggang sa pwede na?
Huwag kang mag-alala, sinisigurado kong may mahihintay ka
Basta ipangako mong hindi ka maghahanap ng ibaAt ang bagay na pinag-usapan natin
Na para sa ating dalawa
Ay hindi lang magiging isang pangarap
Kundi magiging plano
Para sa ating hinaharap