(Alkin's POV)
Pagkagising ko mula sa mahimbing na pagkatulog. Napansi kong wala nang teacher sa harapan at wala narin akong mga katabi. Iginala ko ang mga mata ko sa kwarto at nakita silang dalawa na nag-uusap sa pinto.
"Dre. Anu na balita? Buhay pa ba?"
Narinig kong sabi ni Mickeile kay Niko habang papalapit ako sa kanila.
"Ewan ko dun. Sabi ko sakanya, iakyat niya dito bago matapos yung 1st subject eh." -niko
"Dadating pa kaya? "
"Sinong dadating ?"
Hindi ko na napigilang magtanong.
"Multo ka na ngayon Rey? Lakas makapang gulat" - Niko
Kala mo naman kasi may ginawa silang krimen.
Pinagpatuloy ko na ang pagtatanong kung sino nga ba yung hinihintay nila. Yung gumawa daw ng report ni Niko. Pero hindi naman si Cleffy. Yana daw kasi ang pangalan.
Hm. Ngayon ko lang narinig ang pangalang yun ah? Bakit naman kaya niya gagawan ng report ang bestfriend ko. I smell something fishy goin' around here. *smirk*
"Dre. Yan na pla siya eh."-niko
Bago ko pa makita ang itsura nung sinasabi ni Niko, napansin kong wala sa bulsa ko yung cellphone ko. Malamang, nahulog ko nanaman yun habang natutulog kanina.
Tumakbo ako pabalik sa armchair para kunin saglit yung phone ko.
Natagalan pa ako sa pagkuha dahil nasa lapag yung cellphone.
Dali-dali naman akong bumalik dun sa pinto dahil nakakahiya sa chic na naghihintay sa labas. Wait, what? Chic? I shouldn't be saying that. Kay Sharraine lang ako. Naks! :)
When I got to where they are standing. I can't believe what I just saw and I know she's feeling the same way..
"IKAW ?????!!!" -Sabay naming sabi.
Of all people? Bakti siya pa?
Bakit yung babaeng nakita ko nung first day of school sa gitna ng kalsada na ubod ng taray pa? Hay nako naman Alkin. Ang swerte mo talaga. -.-
"Woah. Mukhang magkakilala na kayo ah?" Tanong bigla ni Mickeile sa amin.
"OO." - Sagot ko
"Hindi." - Sagot niya
"Ano ba talaga?" -niko
"Guys! I want you to meet. Ms. Taray!" - She gave me a weird look as I introduced her to them.
"Miss TARAY???!" - Sabay na tanong nang dalawa na halatang gulat na gulat.
Bigla akong nakaramdam ng paghila sa braso ko.
"A-aaaray! Bitiwan mo nga ako."
Bumitiw lang siya sa akin nung malayo na kami kila Niko.
"Mataray ka na nga, sadista pa."
"Pwede ba. Tigilan mo nang kakatawag ng mataray sakin ha?! Nakakapikon ka."
"What if I don't stop calling you that?"
"Aissh! Just pretend you don't know me."
"Bakit ko naman gagawin yun?" - Tanong ko sakanya.
"Basta! Just shut up okay?"
Woah! Grabe naman 'tong babaeng 'to. Siguro kasali sa gang 'to. Tsktsk. -.-
"YOU TWO OVER THERE! Baka pwedeng i-share niyo naman sa'min 'yang pinag-uusapan niyo." - sigaw sa'min nila Mickeile.
BINABASA MO ANG
Another Love Story
Teen FictionWalang arte, walang twist. Paano kung ganyan ang istoryang babasahin mo? Okay lang ba sa'yo? Isa nanamang istoryang tungkol sa PAG-IBIG. Sana magustuhan mo. :)