Chapter 14: Walang Pasok.

142 9 4
                                    

(Sharraine's POV)

Natapos rin ang araw na'to. I just keep smiling kahit masakit na .

MASAKIT NA TALAGA . TT______________________TT

Pinilit kong Maging masaya sa araw na 'to kasi mahalaga ito sa dalawang taong importante sa buhay ko.

Si Niko at Cleffy . ANNIVERSARY na kasi nila . :)))))

Buti pa sila , nagmamahalan ng tunay at nagpapakatatag . Masaya ako para sakanila .

Sobrang saya . :D

Pero samin ? Sakin ? Masaya ba ako ?

Dahil sa nangyari kanina at sa lahat ng nakakairita at nakakalokong tanong na walang sawang umiikot sa utak ko, Hindi ko alam kung masaya pa ba ako o magiging masaya pa ba ako . :3

Nakaya ko mang ipakita sa harap ng Barkada na wala akong iniindang sakit .

Alam ko,

na sa sarili ko,

kahit kailan hinding hindi ako makakatago .

Hindi ako Bobo .

Alam ko kung anong nararamdaman ko.

(Alkin's POV)

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga nangyari sa araw na 'to .

OO, masaya ako dahil dumating na yung araw na nagcelebrate si Niko at Cleffy.

Na isang taon na silang hindi nag-iiwanan . Na naging matino at seryoso na rin ang parekoy sa isang baabeng mahal niya talaga. .

Pero...

Kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa Pizza Hut .

Dahil sa totoo lang,

hindi ko alam ang nangyari .

Wala ako nun . >.<

Ano bang nappag-usapan nila ?

Pagkalabas ko kasi ng Pizza Hut noon, si Mickeile nalang ang naiwan sa labas at hinihintay ako.

Ganito kasi ang nangyari .

*EARLIER...

Lumabas na ako.

Hinanap ko sila .

Nakita ko si Mickeile na nakasandal sa may dingding at nagtetext .

Lumingon siya at nakita ako .

Walang emosyon sa mukha niya habang palapit siya sakin .

"Tang*na dre . Ano nanamang kalokohan ginawa mo?" -sabi niya sakin nang walang galit o inis . Basta kalmado lang at para pa ngang nang-aasar .

"Ako ? Ano bang ginawa ko? Nasaan sila Sharraine?" - Naguguluhan ako . Wala akong maintindihan .

"Kung alam ko lang kung anong ginawa mo, hindi na ako magtatanong sa'yo . Hindi ako magaling sa pag-alam sa mga nararamdaman ng mga babae , pero pare alam ko, nasasaktan ngayon si Sharraine . Tara nga dito , may kailangan kang sabihin sakin . Subukan mo lang magtago sakin, bubugbugin talaga kita ." -Umakbay siya sakin at parang gusto akong dalhin sa kung saan . Sumama nalang ako. Gusto ko rin malaman ang TOTOONG NANGYARI .

Pumunta kami sa Dunkin' Donuts malapit sa PizzaHut . 

Bumili muna siya ng inumin at donut , hindi kasi pwedeng tambay dito eh .

"Pre . Magtapat ka sakin . May iba ka ba ? Si Yana ba yun?" -Tanong niya sakin nung nakaupo na siya . Nakatingin siya sakin, seryoso yung mukha niya pero kita mo parin na hindi siya galit .

Another Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon