(Daile’s POV)
Tapos na akong bumili ng mga gamit para sa project namin ni Raine.
Komportable na rin akong kasama siya palagi, wala ng ilangan at minsan nalang ako nagiging bitter sakanya.
Ikaw ba naman, dalawang buwan mong araw-araw na kasama eh. Tapos ganun pa kaganda at kabait.
Pakiramdam ko nga, teacher na ako. Ang pinagkaiba lang, wala akong suweldo.
Pero okay lang yun, nakakasama ko naman siya eh. Para na akong nanalo sa lotto.
Alam kong ang hirap paniwalaan, na may gusto ako sakanya.
Kahit nga ako mismo, hindi makapaniwala eh.
Iba lang talaga yung nararamdaman ko pag kasama ko siya. Lalo na pag tumatawa siya, grabe nakakahawa.
Tekaaa. Maya na nga yang drama. Para na akong bakla dito.
Tatawagan ko na siya, paniguradong tapos narin mamili yun. Antagal niya kasing tumawag e, kaya ako nalang.
*Calling Pretty...
Ganda ng pangalan no? Kasing ganda niya.
...........................
>_________________________________________<
Nakakailang tawag na ako, pero walang reply .
Ano bang nangyari sa babaeng yun?
Pumunta ako sa National pero wala na siya dun.
Saan nanaman kaya nagpunta yun?
Pupunta nalang ako sa bahay nila baka nauna na siya.
(Cleffie’s POV)
Namiss ko mag POV.
Huling POV ko kasi ay yung...
Basta, alam niyo na yun, ayaw ko ng alalahanin.
Andito kami ngayon sa Holly’s.
Isang Restaurant malapit sa Mall.
Napili naming kumain dito kasi nakakasawa na yung mga fast food chain.
Tsaka dito EAT ALL YOU CAN!
Hahahaha xDD Katakawan ko talaga.
Ang saya ko ehno?
Actually hindi.
Hindi talaga.
Pero ano ba namang magagawa ko?
Life must go on nga raw. Kailangan tanggapin ang mga bagay na kahit kailan hindi na mauulit at babalik pa.
Tsaka isa pa, andyan naman yung mga taong mahalaga at nagmamahal sa’kin eh. Siguro naman kaya kong harapin ang buhay kahit sila nalang yung kasama ko.
Nagsimula na kaming kumain.
Andito kami ngayon sa Buffet Table, nakapila at kumukuha ng foods! :)
After mamili, umupo na kami at nagsimulang kumain at magchikahan.
Ganito yung arrangement ng upo namin.
Luis-Ako-Raine
_____________
Niko-Cleffy-Alkin
Simula nung nanggaling kami sa Mall, tahimik ‘tong si Sharraine at parang worried.
BINABASA MO ANG
Another Love Story
Teen FictionWalang arte, walang twist. Paano kung ganyan ang istoryang babasahin mo? Okay lang ba sa'yo? Isa nanamang istoryang tungkol sa PAG-IBIG. Sana magustuhan mo. :)