Chapter 32: Accident that leads to...

128 4 2
                                    

(Luis' POV)

Hello Guys! :)

First time ko bang mag-POV?

Pasensya na, may memory gap na kasi 'tong si Author eh. 'Di na niya maalala kung nakapag-POV na ako.

Hay, hayaan niyo na nga. Basta POV ko na. :D

Andito nga pala ako ngayon sa bahay nila Cleffie.

Matagal na ding ganito ang arrangement ng buhay namin. Palagi ko siyang kasama, binabantayan, inaalagaan, pinoprotektahan at minamahal. Multi-tasking na nga itong ginagawa ko eh pero hindi naman ako nahihirapan, andiyan naman siya eh.

Alam ko namang hindi pa siya handa na magmahal ulit, wala pang isang taon mula nung... Alam niyo na. Ayun, kaya naiintindihan ko naman siya. basta ang sabi ko sakanya, kung kailangan niya ng kaibigan, kuya, tatay, guwardiya, PA, katulong, advisor, tutor, driver at LOVER, andito lang naman ako, READY FOR SERVICE. All in ONE kaya ako. :"""">

"Ui Luis, nakikinig ka ba?" -Nagising ako sa katotohanan at nakitang kinakaway ni Cleffie ang kaliwang kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Ah-eh, Ano yun?" -Tanong ko sakanya.

"Ano ba yan, mala-nobela na nga yung sinabi ko pero di ka pala nakikinig, wag na nga. Matutulog na ko." - HALAA . Magtatampo nanaman yan .

Gabi na kasi at nandito kami sa kwarto niya ngayon. 

PEROO!!

Pinapangunahan ko na kayo, walang kababalaghang nangyayari sa'min. Goodboy ako and I totally respect her. :]

"Sorry na. Ano ba kasi yung sinasabi mo?" -Pangungulit ko sa kanya.

"Wala. Nakakapagod magsalita." - sagot niya habang nakahigang-pagilid at nakatalikod sakin.

"Sige na." - Pilit ko pa.

Humarap naman siya sa'kin at tumitig ng walang kahit anong emosyon.

TEKA! Baka malusaw ako.

"Ano ba kasing iniisip mo? Kanina pa lutang 'yang utak mo?" -Tanong niya sakin.

Tumingin ako sa malayo at bumulong sa sarili.

"IKAW."

"Ano? May sinasabi ka ba? Di ko marinig."

"WALAAAAA! Ang sabi ko, matulog ka na at pagod ka sa paggawa ng project mo kanina." - Hiniga ko na siya at kinumutan.

"At ako, uuwi na ako dahil may pasok pa tayo bukas." -Tumayo na ako at aalis na sana nang hinawakan niya ang kamay ko.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Oh? May kailangan ka pa ba?"

"Tara dito, may ibubulong ako." - Hinahawi niya ang kamay ko na parang pinapalit niya ako.

Nilapit ko naman ang tenga ko.

"LAPIT PA." - Sabi niya at ginawa ko naman.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

*CHUP.*

O////////////////////////////////O

Para akong yelong nanigas dito, hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya.

Another Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon