(Sharraine's POV)
Evening.
Bukas na pala ang libing ni Mickeile. >.<
Parang ang sakit marinig yung ganun. Ilang araw lang, kasama niyo pa siya, tapos ngayon bigla nalang siya mang-iiwan. Hayy.
Andito ako sa bahay ngayon. Hinihintay ko si Cleffy. Pupunta na kami sa bahay nila Mickeile, last burol niya na 'to.
Pumapasok parin kami. Si Cleffie lang ang hindi pumapasok dahil palagi siyang nakila Mickeile. Siyempre, excused yun. Boyfriend niya po yung nawala. Para narin siyang pinatay. :( Naaawa na nga ako sa Bestfriend ko eh. Sana maging maayos siya after this.
It's 6:30 pm, ang usapan, 7 kami pupunta dun. baka maya-maya andito na si Fy.
After a few minutes, may narining na akong DINGDONG mula sa baba. Sumigaw ako para marinig ni Ate Minfa.
"ATE! PAKIBUKAS YUNG PINTO! PAAKYATIN MO NA SIYA DITO SA KWARTO." -Mukha namang narining niya, malakas naman yung boses ko eh.
*TOKTOKTOK...
"Bess, Bukas yan. Pasok ka na." -Sabi ko habang nag-aayos ng buhok sa harap ng malaki kong salamin.
"Antagal mo mag-ayos."
"Eh kasi..." -Teka? Boses panlalaki yun ah?
Tinignan ko yung reflection nung tao sa likod ko .
"Rey? A-anong ginagawa mo dito?" -Napaharap ako sa kanya.
Naglalakad siya palapit sakin .
"Ui. T-teka . Bakit ka ba andito ha?" -Tanong ko sakanya habang umuurong hanggang sa wala na akong maurungan. Tumama na yung likod ko sa pader .
Tumitig siya sakin .Kinulong niya ako sa dalawa niyang kamay .
Grabe, ang bango niya.
Hayy! Ano ba Sharraine! Diba galit sa kanya?
"Teka nga. Lumayo ka." - Tinitigan ko siya.
"Ano bang dapat kong gawin ha? Para maging okay na tayo?" -Nakipagtitigan siya sakin.
"Wala nang tayo." -Pagkatapos ko sabihin biglang niyang binaba yung dalawa niyang kamay na kumulong sakin.
Tumalikod siya at naglakad palayo sakin .
"Bababa na ako, bilisan mo na mag-ayos. Andun din si Cleffy sa baba." -Yung boses niya biglang nagbago. Masakit ba yung sinabi ko? Osige na masakit nga.
Bakit ba ginagawa ko 'to? Eh mahal ko naman siya?
Kaso yung ginawa niyang kasalanan eh. Hindi ko naman kayang palagpasin nalang basta yun.
Nang bubuksan niya na yung pinto, bigla ko siya sinundan. Niyakap ko siya galing sa likod.
"Why do I need to feel this? I still love you babe."
"Bitaw." -Sabi niya.
"No. I won't. Diba gusto mo magkaayos na tayo?"
"Diba wala nang tayo?" -Aray. Para akong tinamaan ng kanyon. Ganito pala kasakit yung sinabi ko sakanya kanina.
"Binabawi ko na yun." -Hinigpitan ko pa yung pagkakayakap ko sakanya.
"Sinabing bitaw eh!" -Tumaas na yung boses niya kaya bumitaw na ako .
Tuluyan na siyang lumabas nang pinto .
Wala nang kami. TT________________TT
Kinuha ko na yung bag ko at sumunod na bumaba. Natanaw ko naman agad yung bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Another Love Story
Teen FictionWalang arte, walang twist. Paano kung ganyan ang istoryang babasahin mo? Okay lang ba sa'yo? Isa nanamang istoryang tungkol sa PAG-IBIG. Sana magustuhan mo. :)