(Yana's POV)
Andito ako ngayon sa burol ni Mickeile.
Oo, kahit ako hindi makapaniwala.
Maybe it's true na wala pang isang buwan kong nakikilala si Mickeile pero kahit papaano naging kaibigan ko na din siya. Kahit papa'no naging parte narin siya ng buhay ko. Hephep, tigil na. Andrama ko na.
Andito ako ngayon sa tabi ni Cleffy. Andito kami sa may harapan.
Wala pa sa'min ang lumalapit sa kabaong ni Keile. Sigurado akong ayaw nilang makita yung kaibigan nila na nakahiga sa isang kabaong, ganun din ako. >.<
Tahimik lang kaming lahat.
Si Sharraine, katabi ni Cleffie habang sila Niko at Alkin, nasa likod namin.
"Guys, punta tayo sa labas. Saglit lang. May kailangan akong ipakita sa inyo. Importante." -Kumalabit at bumulong samin si Niko.
"Ui, punta daw tayo sa labas, saglit may importanteng ipapakita si Niko." -Sabi ni Cleffy kila Cleffie at Sharraine.
Nauna naang tumayo si Niko na sinundan naman ni Alkin. Kaya sumunod naman din kaming tumayo.
Paglabas namin, naghihintay na yung dalawa sa may parang maliit na table dun sa malapit sa garden nila Mickeile.
Paglapit namin, napansin ko na parang may hawak si Niko.
Ano yun? BOX?
"Anong ipapakita mo samin?" -Tanong ni Sharraine pagkatapos umupo sa isa sa mga upuan dun sa table.
"Ito oh." -Sabay pakita samin nung hawak niyang Box.
Umupo na din kami.
"Anong meron diyan?" -sabi ko.
"Ito yung binigay sakin ni Niko kahapon, ang sabi niya sakin pwede ko lang daw to buksan pag natuloy yung pag alis niya at..."
"Teka, alam mong mangyayari to kay Mickeile??!!" -Napatayo si Cleffie. Mukhang nagulat siya sa sinabi ni Niko.
"Teka teka. Umupo ka Fie. Hindi ko alam na mamamatay siya. Ang akala ko, aalis lang siya, pupunta sa malayong lugar. Yun yung alam ko." -Paliwanag ni Niko.
Umupo naman na si Cleffie.
"Katulad nung sinabi ko pwede ko lang to buksan pag natuloy siya at pwede ko lang din to buksan pag kasama ko kayong lahat. Kaya ngayon bubuksan ko na" -inalis niya yung ribbon nung box at inalis yung takip.
Pagbukas ng Box...
May lamang LETTER at CD?
"Para saan yan? B-bakit may ganyan?" -mangiyak-ngiyak na tanong ni Cleffie.
"Di ko din alam Cleffie, di ko din alam." - Sagot ni Mickeile.
Kinuha ni Cleffie yung sulat at binasa yun ng tahimik .
Habang patagal ng patagal yung basa niya, unti-unti namang nanginginig yung kamay niya at padami ng padami ang pagtulo ng luha sa mukha niya.
Kahit hindi kami ganun kaclose ni Cleffie, nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya.
Ang hirap para sakanya na tanggapin yung pagkawala ni Mickeile.
Kung kami nga hindi makapaniwala na ganun ganun nalang, pano pa kaya siya na mahal na mahal si Mickeile?
(Cleffie's POV)
PLEASE LOAD THE VIDEO AT THE RIGHT. Don't play
BINABASA MO ANG
Another Love Story
Teen FictionWalang arte, walang twist. Paano kung ganyan ang istoryang babasahin mo? Okay lang ba sa'yo? Isa nanamang istoryang tungkol sa PAG-IBIG. Sana magustuhan mo. :)