(Cleffy's POV)
Si Rey at Yana ? Magkasama kahapon ?
Halata namang walang alam si Raine.
Pa'no nagawa ni Yana yun ?
Yung mukha ni Raine . Walang emotions . Parang di niya alam kung anong dapat gawin .
Hanggang sa tumayo siya at naglakad palabas .
Humanda sakin yang Rachele na yan . >____________________________________________< Ang kapal ng mukha niya ha . Sinasabi ko na nga ba eh .
Kaya kahit kailan hindi ko siya nagustuhan eh .
At si Rey ? Hindi nagsabi kay Raine ? Imposible naman ata yun .
Ang gulo na !!! Ang gulo-gulo .
Tapos yung sa amin ni Niko , hindi pa naaayos . Kailangan na namin tong ayusin para hindi na makadagdag sa problema ng tropa .
Sinundan namin si Raine nung palabas na siya .
Pinigilan siya ni Yana at gustong magpaliwanag pero hindi siya pinansin ni Raine . Eh SuperKapal naman pala ng Face mo girl !
Iniwan na namin si Yana sa loob .
Syempre noh, kahit anung mangyari, mas mahal namin si Raine .
"Sis, ikaw na muna bahala kay Raine ha. Aayusin ko lang yung problema namin ni Niko tapos susunod na ako kung nasan kayo ." -Bulong ko kay Cleffie habang papalabas kami .
"Niko !" - Sigaw ko kay Niko habang papalapit sa kanya .
"Kailangan natin mag-usap ." -Hinila ko na siya , naglalakad na kami ngayon .
"Teka . May pasok , di ba tayo papasok ?" -Pigil niya sakin .
"Gusto mo bang maayos to o hindi ? Nakita mo na ngang nagkakandaletse-letse na yung Barkada eh . tapos gusto mo pati tayo magkalokohan ." - Tumigil ako at humarap sa kanya .
"Gusto mo talagang mag-usap tayo ? TARA . Sumama ka sakin ." - Siya naman yung humila sakin . Sumama nalang ako . Kahit naman saan kami magpunta eh , ang mahalaga magkaayos kami .
Habang naglalakad , nararamdaman ko na pahigpit na ng pahigpit yung hawak niya sakin .
Nasasaktan na ako . >________________<
"Niko . Yung kamay ko .."
"Niko , nasasaktan na ako . " Lalo pang humihigpit yung hawak niya habang pabilis ng pabilis yun lakad namin .
"Niko ano ba . Nasasaktan ako sabi eh ." - Inalis ko yung kamay ko, namumula na yung wrist ko . Tumigil ako sa paglalakad .
Hindi parin siya lumilingon , nasa harapan ko siya at nakatalikod sakin .
Hindi ko namalayan , andito na pala kami sa paborito niyang puntahan pag galit, pagod o malungkot siya . Ang Abandonadong Playground na malapit sa bahay nila .
"Niko ." - Sinabi ko sa kanya habang nakayuko ako , sobrang hina na ng boses ko .
Naramdaman ko nalang na papalapit na siya sakin .
Ayoko ng ganito . Naiiyak na ako .
Hindi ko na napigilan at tuluyan ng tumulo ang bawat patak ng luha sa mukha ko . Pinipigil kong humagulgol kasi ayokong makita niya akong nagkakaganto .
Ayokong makita niya akong mahina at umiiyak nanaman .
Pero hindi ko na mapigilan .
Hanggang sa hinawakan niya ang pisngi, itnaas niya angm ukha ko at iniharap sa kanya .
BINABASA MO ANG
Another Love Story
Teen FictionWalang arte, walang twist. Paano kung ganyan ang istoryang babasahin mo? Okay lang ba sa'yo? Isa nanamang istoryang tungkol sa PAG-IBIG. Sana magustuhan mo. :)