(Sharrraine's POV) (First Day)
-Maaga kaming pumunta sa school para masiguradong lahat ng bagay ay nasa tamang lugar.
Mga 8:00 a.m. nagsimula nang magsalita ang head ng HighSchool Department ng School namin sa stage dito sa Quadrangle.
"Goodmorning Students, may I please get all of your attention?" - Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"I wll be announcing the clubs na pinayagan mag-opening for our Clubweek. So let's start with..." - Binuksan niya ang folder na hawak niya.
"Science Club, Math Club, English Club..." - etsetera etsetera.
"Ang mga unang clubs na tinawag ko ay mga clubs na pinamumunuan ng mga teachers." - At pumalakpak kami para hindi naman sila malugi.
Oo nga pala, Kasali din diyan ang club na kinabibilangan nila Yana at Daile. Psh, WHO CARES?
"Next, Let's go to the student's organizations slash clubs." At malakas na hiyawan na may kasamang mga kalabog ang iginanti naming mga estudyante.
"So, we have 8 clubs? Wow! Nadagdagan ng 3." - Palakpakan nanaman. Isa nga pala kami dun sa mga nadagdag na club. :)
"First Club, Photography Club." - Picture doon, picture dito. 'Yan ang trabaho nila.
"Next, is the Gamers Club." - Gadgets ba hanap mo? 'Yan ang tamang lugar para sa'yo. Mga rich kids yung mga nandiyan eh.
"Third one, Girl's Club." - NO BOYS ALLOWED ang motto nila.
Kung may Girls Club, imposibleng walang...
"The 4th Club, Boys Club."
"5th, Environment Club." - Nature-Friendly sila. Kaya umayos ka, baka ipagkalulo ka nila sa kalikasan kapag inaway mo sila. x))
"Ang isa sa mga bagong tatag na club. LOVE CLUB." - Kaliwa't kanang ligawan sa buong quadrangle. Pakiramdam ko, bebenta 'tong trip nila.
"Another is the, Food Club." - Ayu!! Nakakagutom naman 'yan!
"And last, the 8th Club, Microphone Club." - Hahahaha X)) Kami may pinakaweird na Club name. Atleast unique.
Nagsalita ulit si Ma'am Taban.
"For our Opening Ceremony..." - At kung anu-ano pang kalokohan at seremonya ang ginawa hanggang sa dumating na ang pinakahihintay namin.
Umakyat sa stage si Mr. De Jesus, director ng School namin.
"As the Director of this school..." - BLAHBLAHBLAH!
"LET THE CLUBWEEK BEGIN!" - At isang napakalakas na sigawan, hiyawan at walang katapusang kalabog at palakpak ang isinagot namin.
Pagkatapos ay dumiretso na kami sa Booth slash tambayan namin.
Pagdating ko doon, halos lahat ay naroon na rin. Binigay ko na 'yung mga paperworks nila at dumiretso na sila sa kanya-kanyang trabaho nila.
Kaming dalawa nalang ni Bess ang natira dito. Umupo ako at tinignan ang activities ng Club namin.
ACTIVITY SHEET:
1st day - Hide and seek
Mechanics:
-Ang larong ito ay parang taguan lang. Ang taong gustong magpahuli o magpahanap ng isang tao ay kailangan magbayad ng ten pesos worth na ticket at isusulat nila sa papel kung sino ang gusto nilang ipahuli. Ang mga members ang maghahanap at manghuhuli.
BINABASA MO ANG
Another Love Story
Ficção AdolescenteWalang arte, walang twist. Paano kung ganyan ang istoryang babasahin mo? Okay lang ba sa'yo? Isa nanamang istoryang tungkol sa PAG-IBIG. Sana magustuhan mo. :)