(Sharraine's POV)
"Alkin tandaan mo tong sasabihin ko sa'yo..."
Hinawakan niya yung magkabilang kamay ko.
Huminga akong malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sa kanya.
"Alkin, hindi na."
Binitawan niya yung kamay ko. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.
Naiwan ako dito at nakayuko.
"hindi ko na kakayanin pag nawala ka pa."
Tumango ako para tignan kung anong reaksyon niya.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin.
Ngayon nakatingin na siya sakin. Nagsimula na siyang maglakad palapit sakin.
Seryoso padin yung mukha niya.
Habang palapit siya nang palapit, pasikip naman ng pasikip yung dibdib ko.
Ayaw ba niya dun sa sinagot ko?
Ngayon, andito na siya sa harap ko, alam kong nakatitig siya sakin kahit nakashades siya kasi naaaninag ko yung mga mata niya.
"B-babawiin ko nalang." -yumuko ako.
Bakit ganun?
Inaasahan niya ba na ayoko na talaga?
Hinawakan niya yung baba ko at iniangat ang ulo ko. Nakatitig siya sakin .
Yung pagkaseryoso ng mukha niya, andiyan padin. Anong bang gusto niya?
"Ulitin mo yung sinabi mo." -Walang ngiti kahit ngisi, wala.
"B-bakit? B-binabawi ko na nga eh." Hinawakan niya yung pisngi ko.
"Ang sabi ko, ulitin mo yung sinabi mo kanina."
Pero nung magsasalita na ako bigla niya akong niyakap.
Yung ulo niya nakarest lang sa shoulders ko, sa sobrang pagkagulat ko hindi ako nakayakap sakanya, nakatayo lang ako.
"Le'ts start over. Hindi ko na hahayaan na maghiwalay pa tayo. Mahal na mahal kita Sharraine."
May kung anong nagpakilig sakin.
Mas nakakakilig pala talaga pag tagalog noh? HAYY >///////////////////////////////////////////<
Niyakap ko din siya, mga 5 minutes kaming ganun.
Masarap sa feeling na kayakap mo yung mahal mo, masaya kayo at parang walang tao sa paligid niyo.
Pagkatapos nun ay hinatid niya na ako pauwi, gusto pa sana niyang pumasok sa loob pero pinauwi ko na siya, sabi ko magreview siya kahit alam ko namang matalino na siya.
(Daile's POV)
4:00 pm na.
Papunta na ako kila Sharraine.
Exam na kasi namin bukas , at siyempre ako ang tutor niya.
Ilang araw din kaming hindi nakapagtutor kasi nga andaming nangyari sa barkada nila. Pumunta din naman ako sa burol ni Mickeile, isang beses. Pero nung pumunta ako dun, wala sila tsaka hindi narin ako sumama sa libing. Pinagdasal ko naman na siya eh .
Ewan ko ba, pero simula nung naging tutor ako nung si Sharraine, parang nabawasan yung pagiging bitter ko sa mga babae , sa School, madami na akong nakakausap na babae, pero siyempre hindi parin ganun kafriendly .
BINABASA MO ANG
Another Love Story
Roman pour AdolescentsWalang arte, walang twist. Paano kung ganyan ang istoryang babasahin mo? Okay lang ba sa'yo? Isa nanamang istoryang tungkol sa PAG-IBIG. Sana magustuhan mo. :)