Chapter 28: Examination Days.

135 4 2
                                    

(Daile's POV)

"Wala na siya. Hindi ko na hahayaang masaktan ka pa niya. Wag ka na umiyak, andito lang ako."

Hindi ko alam kung bakit, pero kusang lumabas sa bibig ko eh.

Ayoko na kasing nakikita siyang umiiyak.

Una, hindi bagay sakanya, sayang yung ganda nya.

Pangalawa, hindi dapat siya sinasaktan at lalo pa kung yung mayabang na yun pa yung mananakit sa kanya.

At pangatlo, nasasaktan ako. >__________________<

OO, parang sinasaksak na din ako pag nakikita siyang nasasaktan at nahihirapan.

Kahit ako, hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. 

Kakaiba kasi tong si Sharraine, siya yung babaeng nagawa akong makipag-usap sa ibang babae. AYOS DI'BA?

Pagkatapos nang mga nangyari, nabalot kami ng katahimikan at ilangan.

Naligo na siya dahil 12:00 na, baka malate pa kami. Lumabas na ako ng kwarto niya at hinintay siya sa sala nila.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba na siya.

Niyaya niya ako maglunch. Pagkatapos kumain, sumakay na kami sa kotse para makapasok na.

Habang nasa kotse, hindi kami nag-uusap.

Ako, ito nakaearphones at nagsa-soundtrip.

Siya, nagbabasa ng libro. Halatang nagseseryoso talaga siya eh.

"Alam mo bang pwede ka mahilo kapag nagbabasa ka habang umaandar ang kotse?" -Inalis ko yung earphone na nakalagay sa kanang tenga ko.

Napatingin siya sakin at sinara yung libro, ngayon nakatingin nalang sya sa bintana.

"Oh." -Inabot ko sakanya yung isang earphone.

Tinignan niya lang yung kamay ko.

"Hindi mo maririnig yung kanta kung tititigan mo lang yan"

Kinuha niya yung earphone at umusog naman ako para malagay niya sa tenga niya.

(Raine's POV)

Pagdating namin sa school, dumiretso na kami sa room para makapagreview pa khit 10 minutes lang.

*Brrrrb.Brrrb*

Naramdaman ko yung pagvibrate ng cp ko sa bulsa ng palda ko.

Kinuha ko yun.

I looked at the screen.

*1 New message from Daile...

[Wui. Magsastart na yung exam. Nakamulala ka padin. kalimutan mo muna yung problema, baka bumagsak ka pa, ikaw din.] - Ganito ba mag goodluck tong lalaking to?

Tinignan ko siya mula dun sa upuan niya, nagbabasa lang siya. Hayy . Pero tama naman yung sinabi niya, kelangan ko magseryoso. Para sa matagal ko nang pinakaiinatan na titulo.

Reply: 

To: Daile...

"Psh. Oo na." 

Nakakaasar tong top one na to! >_____________________<

*I new message from Daile...

[Kailangan talaga nakasimangot? Bahala ka. Papanget ka niyan. xDDD]

HAHAHAHAHAHAHAHAHAH! xDDDDDD

Another Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon