Chapter 18: I'll still love you no matter what happens.

114 9 0
                                    

(Cleffie's POV)

Sa wakas , POV ko na din ! Namiss ko na kasi mag-emote sa mga readers eh ! xDDD

As of now, nandito kami sa Science Laboratory . May experiment . :)))

Isa to sa mga favorite namin nila Raine . Pero parang hindi ata siya papasok ngayong hapon ah ?

Sayang naman . Pero di bale na, andito naman si TwinSister . Hindi siya ganon kahilig sa experiments pero madali naman mapilit yan ! Mahal ako nyan eh. ^______________________^

So, ito na nga, gagawa daw kami ng Bulkan . 

AYSUS NAMAN ! wala na bang bago sa mundo? Lagi nalang yan. Ilang beses ko ng nagawa yan eh. Feeling ko kahit nagtata-tumbling habang nakapikit, kaya ko nang gawin yan eh. Pero siyempre jokel ang yun.

"Sir, wala na bang bago?" -Tanong ni Gregory . Top two namin. Yun naman Greg! Nice one. Kaya kahit matalino ka, hindi ka loner eh. Ang cool mo.

Syempre, sunod-sunod na din ang pagbatikos sa MAHIWAGANG BULKAN , ano pa bang magagawa ng teacher namin. Edi baguhin ang experiment ! :))))))))))))))))))))))

"Okay, dahil ayaw niyo ng bulkan, we will do an extraordinary experiment ." -Sabi ni Sir .

"First , we will need....." -Etsetera etsera ! Basta mga gamit yan ! TAPOS ANG USAPAN !

"Okay put your safety glasses on and we will start the experiment." -Inlove na ako sa safety glasses ko . Boyfriend ko na nga to eh. :) Syempre kung papangalanan ko siya, Mickeile na ah . >////////////////////////////////////<

Oo nga pala. Speaking of the one I truly love . HAHAHA . Pagpasensyahan niyo na madrama eh . Pumasok kaya siya? 

Lumayo muna ako dun sa experiment table at kinuha yung cellphone ko sa kinasulok-sulukan ng sulok ng bulsa ng palda ko . 

 TextMessage:

To: Boyfriendko <3...

GoodMorning . :* pumasok ka? 

**Sent...

Alam ko, ang cute ng pangalan niya sa phonebook ko. Pareho lang naman kami . Girlfriend ko yung pangalan ko sa phonebook. Naisipan naming palitan yun nung isang araw.

Since alam ko naman na matagal magreply yun, binalik ko nalang yung cellphone ko sa kung saan ko siya kinuha kanina . :)

Pero bago pa siya mashoot sa bulsa ng palda ko. Bigla siyang nagring .

Grabe, hindi pala siya nakasilent . Ang ingay tuloy . Lahat sila napatingin sakin . 

Pahiya onti Cleffie, wag ka na bumawi. HAHAHA! 

"Sir, excuse me . I need to take this call." -Sabi ko sa teacher ko, nagnod lang siya kaya lumabas na ako at sinagot yun .

Sinong tumatawag? Hindi ko rin alam. Sino kaya tong istorbo na'to?? Unknown number kasi eh .

Sagutin ko na nga.

"Hello?"

"Pumunta ka sa School Basketball Court , kundi mamamatay tong boyfriend mo." -HA???????????! O_____________O Ano daw?! Si Mickeile? Bakit? Ano ba yan napapraning na ata ako .

"Teka, sino to? Joke 'to no? Ano bang kasalanan niya sainyo ?" -Hindi na niya sinagot yung mga tanong ko. Binabaan niya ako ng phone.

Nanginginig yung buong katawan ko. Pakiramdam ko, mahihimatay na ako sa sobrang takot.

Another Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon