Chapter 17: 2nd Chance.

126 8 0
                                    

(Alkin's POV)

Papunta na ako sa bahay nila Raine ngayon . 

Kabadtrip, nananadya ba talaga siya ? Nag-effort ako para lang mapapasok siya at makausap . Gusto ko nga magpaliwanag eh, tapos hindi siya papasok ?!! Whole day pa nga, diba ansaya . >___________________________<

Pagdating ko sa bahay nila, nag door bell na ako kaagad . Panigurado akong nasa bahay lang siya .

Pagbukas ng pinto , nakita ko si Daile ...

Bakit andito 'to?????

Wala na akong pakialam sa ngayon . Kailangan kong makausap si Raine .

 "SHARRAINE !!! SHARRAINE pumunta ka dito !!!!" -Pumasok na ako sa loob at tinawag siya. .

"Pare, teka hintayin mo nalang si Sharraine . Kumuha lang siya ng inumin." -Hinawakan ni Daile yung balikat ko.

"Pare, wag ka makialam dito. SHARRAINE, please kausapin mo ko." -Wala naman siyang alam sa mga nangyayari eh. Tsaka kakausapin ko lang si Sharraine .

Lumabas nman si Raine galing sa kusina nila . May dala siyang pitsel ng tubig, nilapag niya yun sa  Coffee Table.

"Sharraine . We need to talk, please ." -hinawakan ko yung kamay niya. Bakit parang ang saklap marining mula sakanya na parang ayaw niya akong makausap. Nakakabakla naman, Naiiyak na ako.

"Lasing ka ba?" -Lasing ka ba? Lasing ba ako ? OO , lasing ako . Niyaya ako ni Julius mag-inuman sa bahay nila kanina kasi daw may problema siya . Sakto namang problemado din ako .. Pero kaya ko pa naman eh. Nakapunta pa nga ako sa bahay nila oh . 

"Hindi na mahalaga yun . Please , hayaan mo ko magpaliwanag . Sa mga nangyari. Kailangan mo malaman ."

"Alkin , ayaw kitang makausap ngayon , hindi pa ako handa . umalis ka na . Umuwi ka na. Lasing ka eh . PLEASE . " -HINDI ! Hindi ako uuwi hangga't hindi kita nakakausap .

 "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako hinahayaang makausap ka at makapagpaliwanag." - Inalis niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko sakanya.

"Alkin . Sinabing ayaw kitang kausapin ngayon eh . Wala ka nang dapat ipaliwanag pa . Alam mo, umuwi ka nalang . " -Bakit ba pinagtatabuyan niya ako?

"HINDI ! Hindi ako uuwi ." -Hinawakan kio yung magkabilang balikat niya.

"Hindi mo ba naiintindihan Sharraine? Magpapaliwanag ako. Kailangan kong magpaliwanag sa'yo, marami pa tayong dapat pag-usapan. Yung sa amin ni Yana..." -Pilit ko sakanya.

"Ano ba REY ! Sinabing ayaw kitang kausap eh." -inaalis niya yung kamay ko sa balikat niya pero lalo kong hinigpitan yun. 

"Ano ba ! Ayaw nga kitang kausapin eh."

"Pare, narinig mo naman siya diba? Ayaw ka niyang kausapin. Umuwi ka nalang pare. Sa ibang araw mo nalang siya kausapin. " - hinawakan ni Daile yung kaliwang balikat ko.

"Wag ka makialam dito." Nakatingin parin ako kay Sharraine.

"Pare. Ano ba ! Sinabing ayaw ka niyang kausap eh!!!!" -Papansin talaga to ehnoh . 

Sinuntok ko siya . Sinabing wag mangialam eh.

Sinuntok niya rin ako. Dahil nakainom ako, na out of balance ako . 

Pagtayo ko, dapat gagantihan ko pa siya pero hinarangan ako ni Sharraine.

Pinigilan niya akong suntukin si Daile. Bakit ? Bakit parang mas kakampihan pa niya yung Nerd na yun, Don't tell me na may gusto siya dun. At YUN ? Yun ang ipapalit niya sakin . HINDI PWEDE !

Another Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon