Chapter 25: Confession

173 9 5
                                    

..................................

Author's Note:

 

Hi Guys. :DD 

Ito pong Chapter na 'to ay karugtong nung Chapter 22: Wala nang tayo. Para malaman niyo kung anong nangyari dun sa dulong part.

 

^______________________^ And again, maraming salamat po. 1,700 plus na yung reads ng story ko . So happy ni Author :DD

 

Atsaka pala, may Qouta na po ulit? Nakakapraning kasi mag-update tapos konti lang yung votes and comments.

 

5 votes and 2 comments po ha? Yan lang naman eh. Kerry niyo yan! Salamat ulit ! Muamuatsuptsup. :*****

 

Now, enjoy reading.

 

(Yana's POV)

 

"Alkin, I like you." 

Hindi na ako nagdalawang-isip pa.

Kung meron mang araw o oras na dapat akong umamin sakanya, alam kong ngayon yun.

Maniwala man siya o hindi, wala akong pake. Basta kailangan na niyang malaman tong nararamdaman ko para hindi na ako palaging huli at natatalo.

"Ano?" 

Tanong niya sakin.

Nakatitig lang ako sakanya habang nakangiti. Hindi yung nang-aasar o pilit, normal na ngiti lang.

"Anong pinagsasabi mo Yana?" -Tumayo siya at naglakad palayo.

"Hindi ka naman bingi diba? Alam kong narinig mo yung sinabi ko, nabingi ka lang kasi hindi mo maintindihan kung bakit ko yun sinabi." 

Nahinto siya sa paglalakad at humarap sakin .

"Oo, hindi ko maintindihan yung pinagsasabi mo." Tumayo ako at lumapit sakanya.

"Alkin gusto kita. ay hindi, mahal na kita."

Lalong naging komplikado yung itsura niya.

Halong gulat at galit o lungkot. Hindi ko alam.

"Tumigil ka. Hindi mo alam yang sinasabi mo." 

Lumapit ako sa kanya.

Yung tipong malapit pero hindi naman sobrang lapit.

Nakatingala ako ngayon. Medyo tingala, mas matangkad kasi siya sakin.

Another Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon