Chapter 8: I need your help.

161 9 3
                                    

(Raine's POV)

*KRING!!*

*Babeko'Alkin CALLING ....*

Tumatawag siya!

>_______________< 

Sasagutin ko ba?

Ano naman sasabihin ko?

Alam niya kasi na hindi ko siya kayang tiisin. >.<

Hays.

Sagutin ko na nga lang. Hindi nalang ako magsasalita. 

[Babe.] -Sabi niya sa kabilang linya.

[Babe. Magsalita ka naman oh.]

Totoo ba yung naririnig ko? Umiiyak siya?

Hindii ko alam kung sinasadya niya bang gawin yun para maawa ako sakanya o totoo talaga.

BASTA! Hindi parin ako magsasalita. Bahala siya diyan.

 [Sige, alam ko naman na galit ka padin eh. I'm a jerk. Wala akong kwenta. Dapat hindi ko sinabi yun. Ang sama ko. Hindi ako nag iisip. Pero sana naman patawarin mo na ako. Kaya ko lang naman nasabi sayo yun kasi nadala lang ako ng galit. Hindi ko naman alam na magtatampo ka dun sa sinabi ko. Sharraine, I love you! I really do. Patawarin mo na ko. Please! Okay lang kahit wag ka sumagot pero lagi mo tatandaan, mahal na mahal kita. Goodnight, I LOVE YOU.]

*CALL ENDED.*

Maniniwala nanaman ba ko?

Magpapadala nanaman ba ko sa mga sinabi nya?

Anong gagawin ko ?

Ayoko maging komplikado ang lahat pero ayoko naman na lagi nalang ganito yung nangyayari. Ayokong umabuso siya kasi alam niya na kahit anung kasalanan gawin niya, mapapatawad ko siya.

BAHALA NA SI BATMAN.

Pagod na yung utak ko sa sobrang daming nangyari ngayon.

Natapos ko na din yung dalawang movies.

1:15 na pla. Naaantok na din ako.  

Matutulog na nga ako kahit 4 hours lang. May pasok pa bukas eh.

Goodnight sakin.

"Ma'am.... Ma'am!! Ma'am Gising na po 6:30 na, baka malate ka." Nagising ako sa kalabog sa pinto ng kwarto. 

 HA?!

6:30 na?!

O__________O 

Hala! Buti ginising ako ni Ate Minfa.

7:00 pa man din ang  time namin ngayon. Nako naman.

Bumangon na ako. Diretso sa Cr, naligo tapos nagbihis na.

Nag P.E. nalang ako, MAPEH naman unang subject namin eh.

Sa school nalang ako magpapalit ng School Uniform, meron pa naman siguro ako dun sa locker.

SANDALI! >_________________<

Yung BAG ko nasaan?

Ano ba naman yan! Ang ganda ng araw ko! Naiwan ko pa ata yung bag ko kila Cleffie.

Tetext ko na nga lang siya na dalhin yun. >__________< 

Ito, papasok na ko.

Sasabay na sana ako kay kuya kaso pagpasok ko sa kwarto niya wala na siya eh.

Another Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon