"Bakit ka nandito?"
pagbukas ko ng pinto . Hindi ang inaasahan ko ang dumating .
"Daile, anong ginagawa mo dito ?"
Si tutor yung dumating .
Hindi po si Alkin . Alam ko iniisip niyo .
"Dala ko mga notes and homeworks na dapat gawin . "
"Bakit hindi sila Cleffy yung nagdala niyan ?"
"Kasi..."
"Ah-eh teka pasok ka muna ."
Pinapasok ko siya at pinaupo sa Sofa.
"sandali lang ha . Kuha lang ako inumin ."
Pagbalik ko. Nakalabas na din yung mga gamit niya .
Lahat nakapatong sa table .
"Ui, anong meron ? Dito ka din gagawa ng Homework?" - Nilapag ko na yung dala kong tray ng inumin .
"Syempre ." - Sagot niya habang nagsusulat sa table.
"HA ?" - Ano daw ? Bakit dito siya gagawa ? Meron naman siguro siyang bahay diba ?
"Alam mo, kahit talaga kailan , andali mo makalimot."
Ano ba pinagsasabi ng lalaking to ? Hindi ako sumagot .
"May Tutor tayo diba, Monday ngayon ." - sinabi niya yun ng hindi tumitingin sakin . Tuloy pa din siya sa pagsusulat . Uminom din siya nung juice na tinimpla ko .
Umupo ako sa may sofa katapat nung inuupuan niya .
"Ay . Sorry , nakalimutan ko ." -oo nga pala . Monday ngayon , may tutor kami every Monday, Wednesday, Friday and Sunday .
"Okay lang . Sanay naman na ako nakakalimutan mo ang mga bagay-bagay palagi ." - PALAGI?
"Anong palagi ? Hindi naman ah." - Hindi naman talaga eh.
"Hindi ka dyan. Natatandaan mo pa yung naiwan mo yung bag mo kila Cleffy? Nasayang pa oras ko. " - Ganun pa din siya, hindi nakatingin.
Ay, Yung bag . Oo nga noh . Siya nga yung nagdala nun .
"Oo nga pala, pa'no napunta sa'yo yun?"
"Pinabigay ni Cleiffy, kasi umalis sila nun. Dinaanan ko sa bahay nila bago pumasok ."
Ah. Ganun pala.
Ganun ba talaga ako ? Madaling makalimot ? Hindi naman ah . Dalawang beses lang . Makakalimutin na agad? Hindi ba pwedeng madami lang talagang iniisip ?
Tsaka yung bag , nakalimutan ko yun ng dahl kay Alkin. Hindi ko naman sinasadyang maiwan yun eh . Toliro na ako nun , problemado .
Tsaka ngayon , wala namang pasok eh ! Hahaha . Para sakin . :)) Di ko naman sinasadyang malimutan .
"Sorry talaga."
"Sige na . Kopyahin mo na 'tong sa Science . Tapos may project din dyan , nextweek ipapasa. Groupwork daw , kagrupo mo sila Gregory. Tapos dito sa Math, sagutan mo page 56, may graph dapat na kasama. Pagkatapos niyan kopyahin mo tong sa English, may LongQiuz daw bukas kaya rereviwwhin natin yan mamaya tapos..."
"Hephep . EASY lang . Mahina ang kalaban . Pwedeng isa-isa lang?"
"Edi sana kung di ka umabsent, hindi ko na kailangan magpaliwanag ."
Oo nga naman Sharraine. Wag na makulit . Ang tigas tigas kasi ng ulo mo eh . Absent absent ka pa.
"Oh . Unahin mo na 'to." - Inabot niya sakin yung notebook ko sa Science .
BINABASA MO ANG
Another Love Story
Fiksi RemajaWalang arte, walang twist. Paano kung ganyan ang istoryang babasahin mo? Okay lang ba sa'yo? Isa nanamang istoryang tungkol sa PAG-IBIG. Sana magustuhan mo. :)