Chapter 5

26 3 3
                                    

Jë$§Ïçå Kïm

1:01 am
Nalimpungatan ako nang nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan. Nagtungo ako palabas ng kwarto katabi ng sobrang laking kwarto ni Lisa este Lalisa. Nakagaw ng pansin ko ang nakabukas na pinto ni Lisa. Nakabukas ang lamp shade niya, ano ba 'tong babaitang 'toh sayang kuryente eh. Sa bagay mayaman naman kasi kami eh kaya bakit pa namin popoproblemahin yun diba?

Napatingin ako sa mukha niya. Nakatodo na yung aircon. pero pinagpapawisan parin sa siya at naluluha. Ano bang nangyayari sa kanya? Hinawakan ko siya sa kamay, di niya kasi tinanggal yung relo niya eh.

Teka.... bakit ang lamig?
Kinapa ko siya sa may bandang leeg... B-bakit wala akong maramdamang pulso? A-anong nangyari? Hindi kaya.... h-hindi. Lisa!!!!

$&$&$&$

Two days ago....
Dalawang araw na at ganun parin ang kalagayan ni Lisa. Ayaw siyang ipadala ng kuya niya sa ospital para matingnan ng doktor. Napaka gulo naman ng pamilya nila. Di parin siya nagigising hanggang ngayon at wala kaming ibang ginawa kung hindi ang mag-alala. Namamaga na nga yung mata ko at para na akong adik sa laki ng eyebags ko, atleast cute mukha na akong panda~ ^_^

"Bess, grabe na yung fantasy ni Lisa napaka lawak na, kailan ba siya magigising" naiiyak na sabi ni Jennie at nagpunta sa veranda. Maski si Ryo nagaalala na rin. Ayokong makita si Lisa na binabalsamo T_T charot. Grabe na talaga, hindi naman pwedeng magkatotoo ang hinala ko.

Narinig kong nag bukas ang pinto at nakita ko ang nakatuxedo, matangkad at naka maskarang lalaki. Bigla akong kinabahan at napa atras dahilan para masanggi ko si Ryo. Para siyang killer sa palabas na papatay ng tao.

"Huh? May problema ba?" Tanong ni Ryo saakin habang nakakunot ang noo. Nanginginig kong tinuro ang lalaking nakatayo lang sa di kalayuan at pinagmamasdan ang wala paring malay at natutulog na parang anghel na si Lisa.

Kung may binabalak man siya kay Lisa humanda siya.... yaysk! Humakbang yung lalaki papunta saamin at umupo sa couch.

"Oh...haha, hyung pwede tanggalin mo muna yang maskara mo. Natatakot na kasi 'tong kaibigan namin" nakangiting sabi ni Ryo sa lalaki. Sumunod naman ang lalaki at dahan- dahang tinanggal ang maskara.

Napanganga ako sa nakita ko. Isang maputi, matangos na ilong, singkit, makinis at makisig na binata ang nakita ko.

"I'm sorry kung natakot kita miss" malamig na tononiyang sabi nanagpatindig na balahibo ko. Bigla naman akong tinapik ni Ryo kaya nabalik agad ako sa wisyo.

"Sara mo baka pasukan haha" nakangiting sabi ni Ryo at nag thumbs up saakin. Ngumiti nalang ako ng pilit at napalunok. Nakakahiya ako grabe....

Nabalot ng katahimikan at puro buntong hininga ang maririnig. Napaka awkwards silence naman nito nakakabinging katahimikan. Ni walang gustong kumibo o magsalita.

Binasag ni Jennie ang katahimikan kaya nakahinga ako ng maluwag. Hay, thanks best of being born haha. "Huwah~ ayan tapos na ko magdrama sa labas haha. Nilagyan ko pa nga ng backround music eh haha yung 'Hello' by adelle diba? Napaka dramatic pwede na 'noh pwede pwede hihi." Sabay tawa niyang sabi at umupo sa tabi ko habang blangkong nakatingin sa kanya. Bigla siyang may hinugot sa bulsa niya. "Ay saka gumamit ako nitong eye drops para kunwari lumuluha haha. Malay mo may nag fifilming saakin diba?" Sabi niya at ibinalik ang eye drops sa bag niya.

"Asa ka best, pero libre naman mangarap kaya sige ipush mo na yan" awkward na sabi ko sa kanya at tinapik siya sa braso. Letse nagpatawa pa eh ang awkward na nga pero okay na rin nakahinga na ko ng maluwag.

Napatingin ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Ryo at ng kuya niya. "Hello?...hah?!.... okay, okay were coming...okay bye..." pinatay na niya ang tawag at tumingin saamin.

Another: The War Has BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon