Hi po dedicated to my self muna hahaha. >.<
Follow niyo ako on instagram park_chiminie01
_______________________________________
Lalisa Milicent Lacscure
Nakakainis talaga ang Red na yun. Buti at nahandle ko pa ang inis ko kung hindi patay siya. Ang hirap kays maging mahinhin. Lalo na pag nagpapanggap ka lang pwe.
Nagseselos? Sabihin na nating oo. Ewan ko ba kung bakit pero parang sinasabi ng sarili ko na dapat ako lang ang kausap niyang babae, wala ng iba pa.
Hindi ko alam sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit ako nagseselos pero hindi ko maexplain kung bakit. Parang naiinis ako kapag may kausap siyang ibang babae. Parang. Parang gusto ko sapakin yung babae kanina eh. Kaso. Kaso argh!
Naguguluhan na ako. Papaano kung.... Hindi siguro naiinis lang talaga ako sa kanya. Natural lang naman talaga yun kasi ayaw ko sa kanya kasi asar siya. Panira siya parati ng araw ko.
Hay kaloka.
Bzzzz.... Lisa ang tangkad mo. Lisa ang tangkad mo. May nag text.
From: Kyo
Lis, pinapapunta tayo sa Pandemonium High. Kailangan ata tayo.
To: Kyo
Oh sige sige, papunta na ako.
From: Kyo
Antayin ka namin dito sa parking lot.
Di na ako nag reply at agad na bumaba sa may parking lot. Yes, sabi na't kailangan nila ng tulong kong maganda eh. Sana wala ng paepal. Parang training ko na kaya yung pakikipaglaban nung nakaraan sa halow.
Sumakay na ako sa kotse. Tiningnan ko silang lahat. Mga clueless ang mga mukha nila maliban kay Kyo. Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Kailangan na nating magmadali" seryoso niyang sabi at pinaharurot ang sasakyan niya. Kasama pala pati ang Titania pati na rin ang lahat ng iKON pero teka asan si Red?
Nako Lisa, wag mo ngang hanapin ang epal na yun.
Sabi ng konsensya ko. Hay oo na.Pagkarating namin. Sa may gate palang nakita namin na okay naman ang lahat. Wala namang misteryosong nangyayari sa paligid.
Sinalubong kami ni Oka at Misaki.
"Sr. Kyohei andito po pala kayo" sabi ni Oka at nag bow. Huh? Kilala nila si Kyo? Bakit?
"Kilala ka nila?" Takang tanong ko.
"Yup, may shares ang family ko at nilang lahat dito sa mansion na ito. Bawat building o lugar dito ay pagmamayari ng bawat isa sa atin." Saad nito nganga namang nakatingin si Jennie. Siguradong di niya naintindihan haha.
Sumunod kami kila Misaki sa opisina ng dean nitong school. Nakaupo dito sa Hero-sama ang isa sa katiwala ng pamilya namin.
Nagbow ito saakin. "Mabuti po at nakarating kayo young lady" anang matanda.
"Pinapunta ko kayo dito para sa maganda proposal." Dagdag pa nito at may kinuha sa ibabaw ng lamesa. Isang scroll.
"Napagpasyahan ng magulang niyo na ilipat kayong lahat dito sa eskwelahang ito. Dahil kailangan niyong matuto kung papaano ang tamang pagdipensa at lumaban laban sa mga halimaw."
"Hindi lang ito basta bastang pagsasanay dahil magiging pagsubok rin ito para sa inyo. Kung titingnan ang pangalan ng school na ito ay paaralan ng mga estudyanteng demonyo. Tapunan ito ng mga estudyanteng madaming nagawang mararahas na bagay."
BINABASA MO ANG
Another: The War Has Begin
Novela JuvenilAnother. Is a story of a girl who lives with her immortal power. The pandemonium High, an occult school that ended your life with full of horror. Can Lisa the Red Reaper and her co- familiars can stop the increasing of dead student? Can Lisa stop t...