Chapter 12

12 3 3
                                    

Lalisa Milicent Lacscure

Nagising ako galing sa isang pinapalong bagay para makagawa ito ng nakakarinding tunog.



"Wooo! Party! Olle olle olle olle!"

"Gising na bruha~"

"Bahala ka nasa tapat mo si Red"



Dahil sa katagang yun ay dali- dali akong bumangon at sumigaw. "Reeeeed!" Tili ko. Ewan ko ba at nasabi ko yun. Napatakip ako sa bibig ko. Ah shit!



"Owww, hinahanap mo bess si Red?!" Laking gulat ni Jennie habang nakatayo sa kama at hawak ang isang plate at serving spoon. I rolled my eyes at inirapan siya.



"Yiiee, sino bang pipiliin mo si--" bago pa niya ituloy at marinig ng buong kababayan, tiningnan ko na siya ng masama.



Hindi ko hinahanap si Red noh. Nagulat lang talaga ako. Di ko sinasadyang masigaw yung pangalan niya. Kasi. Kasi naman eh.



Nagulat ako ng masilayan ko siya pagkabukas ko ng pinto. "Hinahanap mo daw ako?" Takang tanong nito na parang may hinaharangan.



"Tanga, nagkamali ka lang ng dinig, ako talaga yung tinawag niya. Sira!" Gitgit ni Zach sa kanya at kumaway ng awkward. Tiningnan ko lang sila ng walang emosyon at kinuha at toothbrush at twalya ko sa gilid.



Nilagpasan ko lang sila at nagdirediretso sa kusina para maghanap ng makakain. Kanina pa talaga ako nagugutom kaya ako nagising.



"Uy Lis kain!" Aya ni Lax.... na katabi si Jessica. Uy in fairness bagay sila hihi. May chemistry ba sila? Hayt ewan hihi. Makakain na nga. 




Bale ganito ang posisyon ng lamesa namin.

  Haise   Seven   Red   Kyo   Lax   Jessica  

_________________________________

Bobby  Bryll  Zach  ako  Jennie  Madam Eli.





Pinagitnaan ako ni Zach at Jennie, at katapat ko naman si Red na nakatitig saakin ng seryoso. Peste naman yung mukha niya sarap sapakin.




Di ko sila pinansin at lumamon lang ng lumamon. Tanging huni lang ng mga pinggan at kutsara't tinidor ang maririnig.




Nagulat ako ng may ibulong saakin si Jennie tungkol kay Jessica na mukhang may gusto si Lax dito. Hay shet naman yung dalawang yun di nagsasabi ayan tuloy nilanggam ako rito. Eng kete- kete ne keye. 




"Haha talaga b--" nagulat ako ng iharap ni Zach ang mukha ko sa kanya. Tiningnan niya ako at ngumiti, ngiti na may halong tawa. Shit, bakit ang cute niya nakakaakit I mean ang gwapo.




"May dumi ka tsk tsk" ani toh at pinunasan ng tissue ang mukha ko. Aysh, nakakahiya peste.




Napatingin ako kay Red na hindi pa ginagalaw ang pagkain. Ano bang problema ng isang toh. Parang ang tamlay niya ata, hindi ako sanay.




"Hoy Red!" Sigaw ko kaya napapitlag siya at napatingin saakin. Bigla itong nag walk out.




Hala?




"Uy, problema nun" takang tanong ko habang ang lahat ay busy kumain. "Ah wala lang yun, baka may tama lang siguro" ani Lax sabay subo ng steak.




"Oh, gusto mo?" Alok niya ng steak kay Jessica pero umiling ito. Napaka choosy naman ng gaga. Buti nga at gwapo itong sumusuyo sa kanya. Saakin kaya meron ba?.... Ay ano bang pake ko? Tsk. Wala namang patutunguhan ang love na yan masyadong bulok hindi cool.




"Samahan mo ako" biglang sabi ni Zach habang hawak ang kamay ko. "Saan"




"Just for a short walk" nakangiting saad nito at hinila ako palabas ng dining area. Sabagay mas makakabuti ang short walk para matunawan ang tyan ko. Kaya siguro fit siya.




Napadpad kami sa may red garden. Lahat ng halaman rito ay pula, eh puro rose lang naman ang halaman dito eh -_-". Pero bongga ang ganda ah haha.




"I know magugustuhan mo dito" saad nito habang hawak- hawak parin ang kamay ko. Ngumiti lang ako at unang nag tungo sa may swing sa gilid.




Sumunod naman si Zach at umupo sa kabilang swing. "Want some story?" Saad nito? Story?




"Merong isang batang babae ang may paborito ng lugar na ito. Parati siyang nandito tuwing nag iisa siya, at parati siyang umiiyak. Pero hindi niya alam hindi pala siya nagiisa meron ding batang lalaki na nandoon noong oras na iyon at pinapanood siya sa di kalayuan. Naawa siya sa batang babae kaya binigyan niya ito ng rosas...." napaluha nalang ako sa kwento niya. Masyado ata akong na relate kaya hindi ko napigilan ang luha ko.





"Tumahan na ang batang babae at nagpasalamat sa lalaki..." nakangiting sabi nito. "Sa tingin mo sino kaya ang misteryosong batang lalaking iyon" dagdag pa nito. Yung batang lalaki?





Sino nga ba?

$&$&$&$

Cedrick Red Dela Cruz

Andito ako ngayon sa White garden at naka upo sa may bridge habang nakalaylay ang paa pero hindi naman abot sa tubig. Anong ginagawa ko dito? Wala nag mumuni muni lang. Ewan ko ba kung nakakaramdam ba ako ng selos. Pero hindi dapat yun ang mangyari eh. Ako nagseselos sa kanilang dalawa? As in kay Lisang halimaw na yun? No way.






Di papatol ang tulad ko sa mga kagaya niyang halimaw. Lugi ang kagwapuhan ko haha. Pero hindi pa talaga ako tapos sa kupal na Zach na yun. Humanda siya, makakaganti rin ako. He thought that i'm done with him? No, naguumpisa palang ako. I'm gonna deal with him. 

Another: The War Has BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon