Chapter 19

7 0 0
                                    

Lalisa Milicent's Point of View 


Ako ang nagbigay nung sulat na iyon kay Rose dahil alam ko na kung sino siya. Isa siyang magaling na hacker, at alam kong matutulungan niya ako sa mga bagay na gusto kong alamin. Nangangamba kasi ako na baka may kinalaman ang mga misteryosong lalaking iyon sa mga portal na lumilitaw at mga hallow. 


Si Osoru ang inuna nila dahil akala nila ay mababawasan ang mga lalaban sa mga hallow. Siguro nga mababawasan pero hindi. Malalaman at malalaman ko rin kung sino ang mga iyon. Onting panahon nalang ang hinihintay ko at magsisimula na ang totoong laro, totoong laban. 


Laban ng dalawang magkaibang mundo...



$&$&$&$ 


Cedrick Red Dela Cruz's Point of View 


Napagod ako ngayong araw, unang araw namin dito pero may namatay agad. Ang weird naman dito sa school na ito. Kahit occult ito ay hindi naman ganito dati. Wala namang namamatay at hindi makulimlim ang kalangitan kahit tanghali. Parang pinagsakluban naman ito ng langit at lupa. Kahit medyo nakakakilabot pinagsasawalang bahala ko nalang iyon. Siguro masama lang talaga ang panahon. 


Nitong nakaraang araw rin, parang naging agresibo si Lisa parang malalim nalang lagi ang iniisip niya. Ang weird. Eh kung tanungin ko kaya siya? 


Wag nalang, hindi naman makikinig ang baliw na iyon saakin. 


"Oy, lalim ata niyang iniisip mo ah," sabi ni Bobby habang inaayos yung pinagkainan niya kanina. Hindi naman ganun kalalim. Basta, ang weird parang...parang masama yung kutob ko. 


Ano bang misteryo nitong school na ito? 


"Kakain na daw hyung! Baka magalit si Madam Su--" 


"Ano ka ba Haise, gusto mo bang ikaw yung malagot diyan!" saway ni Brylle kay Haise at hinatak na ito palabas. Tsk, mga engot talaga. 


Sumunod na kami ni Bobby sa baba. Napatingin ako kila Lisa at Zack. Mukhang maayos na siya. 


"Gunggong ikaw kaya ang talo, wag kang madaya!" sabi nito at binatukan si Zack. Buti nga. 


"Tatabi ka saakin PULA!" biglang hila niya saakin at pinaupo ako sa tabi niya. Ang hype niya ata ngayon? Kinurot ko nalang ang ilong niya. "OUCH!" inda niya sabay kurot ng magkabilang pisngi ko. Aray! pota, feeling ko mapupunit na yung mukha ko sa babaeng ito, baliw talaga. 


"Tigilan niyo na iyan, kung hindi ipapakasal ko na kayo bukas!" saway ni Madam Elli. 


"What? As if! Noh!" reklamo ni Lisa sabay taray. "Naginarte ka pa? Gwapo na nga ipapakasal sayo eh. Pero asa kang gusto ko? HAHAHA!" Humagalpak ako kakatawa ng mag iba yung mood niya. Tila inis na inis siya sa sinabi ko. 


"ASA KA RING MAGUGUSTUHAN KITA BANSOT!" 


......


Napansin kong may mood swing ata si Lisa. Kasi nung nagsimula kaming kumain kanina bigla nalang siya sumigaw ng 'YAMATE!' at biglang tumayo pagkatapos ay nagbato siya ng tatlong dart sa direksyon ni Madam Elli. Lahat kami nagulat sa ginawa niya, maging si Madam Elli rin sa inasta niya. Kakaiba. 


"R-red?" 


Napalingon ako sa tumawag saakin. Si Lisa. Taas kilay akong tumingin sa kanya. Dapat tulog na siya, mapapagalitan siya ni Madam kung mahuli siya nitong gising pa. "Bakit, may kailangan ka ba?" tanong ko, pero bigla siyang yumuko. 


"S-shini sou..." (Seems like I'm going to die). Natawa naman ako sa sinabi niya. Buti at marunong ako mag japanese at naintindihan ko ang sinabi niya. 


"Baliw ka na naman?..." Pitik ko sa noo niya at pinaupo siya sa couch. Ano bang sinasabi niya na mamamatay? "Hindi ka siguro nakainom ng gamot mo," pabiro kong sabi pero nanatili parin siyang seryoso at nakayuko. 


"Ah? Doushita?" (What happened?) sabi ko umiling naman siya at biglang ngumiti. Baliw talaga. 


"Basta, mag-iingat ka lang...uhm parati kasi silang nakamasid haha. Bye bye matulog ka na pula!" 


Ano daw? Mag-iingat at saan naman? Dinalaw nanaman ako ng curiosity. Makatulog na nga. 


......


Nakakainis, hindi parin ako makatulog, parang may part ng utak ko na nagsasabi na paniwalaan ko yung sinabi ni Lisa at maging aware. The heck! 


"Inaalagaan mo ata yang eye bags mo, matulog ka na nga. Baka madamay ako kapag nahuli ka ni madam na gising pa." 


Nilingon ako si Zack sa ibaba. "Makasarili ka pa rin!" natatawang sabi ko at binato siya ng unan. Inis naman siya itong binato pabalik saakin pero nakailag ako agad. "Nalala mo pa ba yung future bride mo pare? Haha, nakakatawa!" Pagiiba ko ng usapan. 


"Gago ka talaga pare, naalala mo pa pala yan? Oo, naalala ko bakit may problema ba?" tanong nito. 


"Ikaw, bakit ikaw ang pinili niya?" tanong pa nito. Anong ako? "Ako?" 


"Oo ikaw, mas pogi naman ako ah," natatawang sabi niya. Gago talaga. "Hindi ko alam basta't tinuro niya lang ako tapos masaya siyang umalis tapos iniwan niya yung brace let niya sa swing." 


"Oo nga, naitago mo ba yun?" tanong nito. Oo, at kapag nahanap ko na siya papakasalan ko siya at titira kami sa gusto niyang mundo. Mundo kung saan wala ng mas sasaya pa, yung hindi na siya malulungkot at mag-iisa. Kasi kasama niya na ako para may magpatahan sa kanya kapag umiyak siya. Kung ihulog man siya sa ibang mundo sasama ako, dahil ang pangako ay pangako. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another: The War Has BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon