Chapter 17

17 3 5
                                    


Sorry ang bagal ko mag UD ngayon kasi nabrain wash ako sa BTS kaka- spazz ko. So, eto pambawi keke. Nanawagan pala ako sa mg aka-fifi ko haha, sila ka-fifi Rang, ka-fifi Cindy, ka- fifi April, ka- fifi Tin, ka-fifi Karkar, ka-fifi Jen, at last but not the list si new ka- fifi Cath. Hi pala, magtino na kayo hah? Haha. Uhm, si Osoru po hindi ko po alam kung sino basta pinagtangkaan niya si Lisa yun nay un basta medyo lesbian ang personality niya keke.

Third Person Point of View

Lahat ng estudyante ay nagsimula ng magpanic maliban lang sa mga taekwondo player. Sanay na silang makakita ng ganitong klaseng eksena sa school. Habang si Osoru at Lisa naman ay nagaagawan sa butterfly knife na hawak ni Osoru. Sinuntok ni Lisa sa mukha si Osoru pero mukhang hindi ito natinag at pilit na idinidiin sa leeg ni Lisa ang kutsilyo.

"Bwisit!" Saad ni Lisa at tinadyakan sa tagiliran si Osoru. Napalayo naman ito. Kinuha ni Lisa ang pistol sa bag at binaril si Osoru sa binti. "Haha! Hangal ka! Sa tingin mo mapapatay mo ako?!" Sigaw nito na may halong tawa. Hindi niya namang intensyong patayin si Osoru. Tinatakot lang niya ito para matigil na ang ginagawa nitong pandadamay sa mga junior students.

"At sino may sabing hindi? Oo papatayin kita!" Ani toh at tumawa. Dahil doon ay hindi na napigilan ni Lisa ang kanyang sarili at binaril sa kabilang binti si Osoru. Nagbabago na ang kanyang anyo bilang isang bambira, hindi bilang isang ghoul.

"A-anong ito?" tanong niya sa sarili nang makita ang repleksyon niya sa salamin sa loob ng rest room. Binaril niya ang salamin sa pagaakalang guni- guni lang ang lahat dahil ang nakikita niya sa salamin ay ang kanyang kapatid at hindi siya.

"Lis, okay ka lang? Gusto mo iuwi na kita?" Pag-aalala sakanya ng kanyang kaibigan. Umiling ito at ngumiti. "Hayaan mo muna ko" Ani toh at nilagpasan ang nag-aalala niyang kaibigan. Ayaw niyang madamay ito sa nangyayari sa kanya. Nagpunta siya sa roof top. Dito siya nakakapag- isip ng maayos. Sa likod ng kanyang pagiging masayahin kakambal naman ito ng kanyang tunay at madilim na katauhan.

Napaluha nalang siya. "Ayoko ng maging ganito ate" wika niya sa kanyang sarili. "Bakit ba kailangan mo pang iparanas saakin lahat ng ito? Inano ba kita? Ano bang pinuputok ng buchi mo hah?" Sigaw nito na may halong hagulhol. She's stocked again with her bipolar cindrome. She think sometimes she's getting insane because of over thinking about of her sister's death. Gusto niyang alamin kung bakit sa tuwing nagagalit ito ay parang sumasanib sa kanya ang kanyang kapatid. Dahil sinumpa siya nito na mananatili lahat ng hinanakit nito sa puso niya.

"Oy panget mag-isip ka nga, sa tingin mo ba matutulungan ka ng pagwawala mo diyan?" tanong ng lalaking nakasandal mula sa pinto. Napalingon naman si Lisa at kunot noong tumingin sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Umallis ka na!" Inis na sabi nito. Napabuntong hininga nalang si Red at tuluyan ng lumapit dito.

"LISA BAKIT BA ANG PANGIT MO!" Sigaw nito sa buong roof top. Nanlaki naman ang mga mata ni Lisa at hiniwakan niya ang kwelyo ni Red. "A-anong sinabi mo?" iritableng sabi nito at sinamaan si Red ng tingin. Ngumiti lang si Red at tinanggal ang pagkakahawak ni Lisa sa kwelyo niya. "Easy lang parang pangpagood vibes lang eh. Isigaw mo lahat ng gusto mong sabihin at kalimutan mo lahat ng nangyari kanina." Ani toh at ngumiti. "GUSTO KO NG ICE CREAM!" dagdag ni Red na nagpangiti kay Lisa. "AKO RIN AT PIZZA!" dagdag ni Lisa at tumawa.

"Haha see? Masaya diba?" saad ni Red habang nakangiting tumingin sa makulimlim na langit ng School. Tumango naman si Lisa bilang tugon. "Oo nga eh, nakakagutom" Nanghihinayang na sabi nito habang himas- himas ang tiyan. Natawa naman si Red at hinatak si Lisa patungo sa cafeteria.

"Nakakagutom pala umiyak?" tanong nito habang nguya- nguya yung pizza. Imbes na sumagot si Red ay kinuha niya ang pizza ni Lisa at kinagatan. Ubos na kasi ang kanya. "Argh, ang daya mo!" sabi nito pero binelatan lang siya ni Red.

Another: The War Has BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon