Chapter 15

15 3 9
                                    

Jennie Mizuhara

Napapitlag ako sa hinihigaan ko ng msg alarm yung clock ko. Shit, first day pala namin ngayon dito. Medyo kinakabahan na excited ako ngayon kasi ang cute ng uniform tapos ang cool ng classroom, triplehin mo ang laki ng room sa room ng dati naming school.




Napatingin ako ako sa kama ni Lisa. Wala pa rin sila. Akala ko darating sila ng hating gabi kaya nauna na akong natulog.




Bumaba na ako sa dining area para tingnan kung ano ba ang pwedeng lutuin. Pagkatingin ko sa ref may mga naka takip na Styrofoam. Hmmm hihi. Makakain na nga.




Pagkabukas ko... kimchi nanaman? Binuksan ko yung rin yung iba. Bulgogi nanaman?! Ulam namin toh kahapon ah.




Napalingon ako ng marinig kong bumikas ang gripo. Si Kyo lang pala. Tiningnan niya lahat ng binuksan kong pagkain at tumawa. Anong tinatawa- tawa niya? Di ba siya magrereklamo kung paulit- ulit yung kakainin niyo? Like hell, nakakasawa na kaya.




"Kumain ka na?" Tanong niya at binuksan ang ref. Kumuha siya ng itlog at butter. Nagulat ako ng itapon niya yung mga naka Styrofoam na pagkain. Bakit niya tinapon? Sayang!




Pinanood ko lang siyang mag luto ng omelette at sunny side up. Hay, ang bango. Kung ganito lang sana yung partner ko in life paniguradong happy ang lifeu ko. May taga luto na ako.




"Ayo! Kimbaps!" Nagulat ako kay Bobby na biglang lumitaw sa tabi ko kaya napaayos ako ng upo. I must stop day dreaming. Nagmumukha akong tanga dito eh.




Bakit parang ang hyper ni Bobby ngayon. Sumasayaw pa siya ng 'Pick me' by Produce 101 sa tabi ni Kyo. Ano yan pang cheer? Napangiti naman si Kyo at sinabayan pa siya sa pagsayaw habang hinahango yung omelette sa pan. Napatawa nalang ako sa kanilang dalawa. Grabe pangpagood vibes talaga si Bobby anytime. Siguro ang boring ng gang nila kung wala si Bobby.




"Yoew yoew yoew" ani toh at bigla nalang nag head spin sa sahig at tumama yung paa niya sa lamesa kaya napatigil siya. Ayan kasi haha.




Ano bang meron, parang may party rin sa taas. Tinaasan ko ng kilay si Bobby. "Ano bang meron? At ang saya mo ata ngayon?" Tanong ko habang nakaupo parin sa upuan. Tumayo muna siya at pinagpag ang damit. "Ah wala, mag kakasama daw tayo sa isang section eh" sabi niya at sumayaw naman ng Bang Bang Bang by Bigbang habang kumakain na nung lutong sunny side up ni Kyo.







Napailing- iling nalang ako at kumuha na rin ng makakain. Dumating naman yung iba. Sumasayaw sila habang patungo sa lamesa, tsk mga baliw. Maliban lang kay Zach na dala- dala pa yung pikachu niya at naglalakad habang naka eye mask, mas baliw pa ata siya eh. Natawa kami nang bumangga siya sa lababo.





"Yah Zach, first clap" anila Bryll at pumalakpak. Inis na binato ni Zach ang pikachu niya pero kinuha niya rin. Aysh, mga timawa. Si Kyo naman naka smile lang habang pinapanood sila. Bakit ganun, kapag tinitingnan ko siya parang. Parang nag-iinit yung pisngi ko tapos kung anu- ano iniisip ko kagaya ng magiging future ko at kung anu- ano pa. Tila ako pa ata ang mas baliw sa mga toh.





[Fast forward]....

Sama- sama parin kami ngayon at patungo na kami sa room 669 sa may 6th floor Senkerei building 0.3.





Nilingon ko sila Bobby. Hindi ba sila napapagod kakadaldal? Kung pwede lang hatakin isa- isa ang mga dila nila edi kanina ko pa ginawa.





"Ang corny mo Jiwon manahimik ka na nga" batok ni Lax. Anu daw Jiwon? Sino si Jiwon?





"Jiwon???" Tanong ko, nagtinginan silang lahat. "Korean name ko keke" nakangiting sabi ni Bobby, yung ngiting halos nakasara na yung mata niya dahil sa sobrang kasingkitan.





Another: The War Has BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon