Black Pink Rose as Rose Arlet on multimedia ====>
Hi po! ngayon lang nag-update kasi gumawa pa ako ng nakakaletseng project namin sa Arts na limang beses LANG naman po akong umulit haha. Saka tinatry ko pa pong pataasin yung grade ko sa math na 75 haha gosh pasang awa. Saka hindi pa po ako nakakapag exam sa t.l.e T_T. sige po happy reading......
Lalisa Milicent Lacscure
Ginamit ko lahat ng lakas ko para mahawakan ng maayos ang bazooka. Tumulong naman si Red sa pagbuhat. Bakit ganito tama lang naman ang laki nito pero sobrang bigat hindi kinaya ng pagkababae/ lalaki ko. Nang maitapat na namin ito pinindot ko ang fire button at sumabog ang gate paitaas at bumagsak ito sa lupa. WTF! Ang galiiiiing!!!!
Niyakap ko si Red at napatalon- talon. Ngayon ko lang nagamit sa tama ang kapangyarihan ko. At ang sarap sa feeling hihi. Napabitaw na ako nang maramdaman kong parang hindi siya gumagalaw.
"Uy, ang galing noh? Haha!" saad ko pero tumango lang siya na parang wala sa sarili. Psh, ang weird niya nanaman, bakit ba ganito itong lalaking toh. Tama nga siguro si Lax may amats lang siguro ang lalaking toh or baka malapit ng mag menopose hahaha.
Hinatak ko nalang siya papunta sa dorm namin. Ayoko ng humabol sa klase nakakatamad saka masakit parin yung katawan ko dahil nabato daw ako ni Red ng upuan kagabi, dahil sa ginawa kong kababalaghan kay lola. Magpapakita nalang ako mamayang sparring sesion na gaganapin mamaya para sa mga newbie kagaya nila Jessica. At ako ang mamumuno ng session na yun wahaha. Why? wala, sinuhulan ko lang yung teacher.
Magugulat nalang sila mamaya mwuahaha. Di ko naman sila papahirapan ituturo ko lang muna yung mga basic na sobrang hard haha. Nahiga muna ako at kinuha ang loptop. Manonood nalang ako ng variety show keke. Yun lang ginagawa ko kapag wala akong magawa. Ayokong kasama si Red kaya nagkulong nalang ako dito sa kwarto.
Pagbukas ko ng phone ko, ang dami palang missed call at message. Lahat puro kila Jess, grabe pinag-alala pala namin sila kagabi. Kasi naman sa sobrang daldal ko di na namin napansin yung dinadaanan namin. Yun yung tinatawag na tanga- tanga haha.
$&$&$&$
Jessica Kim
Natapos na yung klase namin at halos hindi ko kinurap ang mata ko dahil sa sobrang nakakatakot yung teacher. At si Jennie pinapunta sa detention mga thirty minutes lang naman siya dun kaya susunod nalang siya sa cafeteria. Grabe bigla akong kinabahan, yung sparring sesion parang ayaw ko ng uma- attend dahil feeling ko mapipilayan ako.
Nagulat ako ng isubo ni Lax saakin yung malaking piraso ng cake na halos mabilaukan ako sa laki. Umabot na ata sa ngala- ngala ko, pesteng lalaking toh. Tiningnan ko siya ng masama sabay irap. Bakit ba kasi parati ko tong kasama nakakabad trip.
"Jennie?!" saad ni Haise kaya napalingon ako. Nagulat ako ng pagewang- gewang siyang pumunta sa table namin. Parang lasing ata toh ah.
"Haha, y-yung si m-ma'am ang galing haha...." sabi nito. Eh? Ano raw?
Inakay na siya ni Kyo at dinala sa clinic. Ano bang nangyari sa babaitang yun? Bahala na nga, tatanungin ko nalang kapag gising na siya at nasa katinuan na. Napailing- iling nalang ako at kinuha na ang gamit ko. Doon nalang ako sa garden, aaralin ko nalang yung nilesson namin kanina. Dahil paniguradong magtatanong nanaman sila Jennie at Lisa kung ano yung nilesson dahil hindi sila nakikinig.
"Hi, pwedeng makiupo?" Nagulat ako nang may biglang babaeng nakitabi saakin sa bench. Kung titingnan, napaka simple niya. Pero nakuha ng pansin ko yung hawak niyang black book at hindi ko maintindihan ang sulat. Dahil sa sobrang curious ko natanong ko kung ano ito.
BINABASA MO ANG
Another: The War Has Begin
Teen FictionAnother. Is a story of a girl who lives with her immortal power. The pandemonium High, an occult school that ended your life with full of horror. Can Lisa the Red Reaper and her co- familiars can stop the increasing of dead student? Can Lisa stop t...