Chapter 13

13 3 5
                                    

Jennie Mizuhara on multimedia ===>

Jennie Mizuhara

Wala nanaman akong kasama dito sa may salas, mag- isa nanaman ako. Kasi naman nagpasama pa itong si Lax kay Jess, mag iikot- ikot daw muna sila dito sa Academy. Dito nalang muna ako sa may salas, ayoko lumabas marami daw delikwenteng estudyante rito baka mapagtripan ang beauty ko haha.

"Mag-isa ka lang?"

"Ano sa tingin mo tsk. lagi naman eh kasi may mga sari- sarili na silang love life at ako eto nag-iisa tsk." nagulat ako nang tumabi saakin si Kyo. Nakakahiya yung inasta ko siya pala akala ko kung sino. Esh ang awkward nanaman.

"Kung ganun parehas lang pala tayo" saad nito at umupo sa tabi ko habang nakatingin sa labas. mag-isa rin siya? grabe ang loloyal naman pala nung mga kagang mates niya.

Gusto ko ring lumabas kaso natatakot ako baka mamaya mapagtripan ako eh hindi pa naman ako marunong lumaban. Ni suntok di ko magawa, aysh parang ang weak weak ko tuloy kainis.

Dahil gusto kong lumabas at mag libot- libot din kagaya nung dalawang bruha, kakapalan ko na yung mukha ko.

"Uhm, Kyo....S-samahan mo naman akong maglakad" nauutak na sabi ko. Argh, ang kapal ng mukha ko shems >.<.

"Sige"

Waaah! Yes!

Naglalakad lang kami dito sa may pavement kaso ang bored. Walang may gustong magsalita saamin, awkward moment. Kailan kaya kami makakapag- usap ng maayos kagaya nila Zach at Lisa. Nakakainggit ang sweet nila kanina dun sa Red garden.

"Oh, gusto mo?" nagulat ako ng itapat niya saakin yung ice cream. tumango naman ako at sinamahan siyang kumain sa bench.



Medyo nabawasan yung awkwardness kahit papaano. Buti naman.



"Tingnan mo yun" turo niya dun sa may garden. Sila Zach at Lisa? Nakaluhod si Zach dito habang hawak ang kamay ni Lisa. Di ko makita ng maayos kasi nasa labas kami ng entrance ng garden.





Ano kayang ginagawa nila? Hindi kaya....



Nagconfess si Zach at. At. At liligawan niya si Lisa? Oh my gosh!



"Tara magspy tayo" biglang sabi ni Kyo at hinatak ako sa entrance. Aba, game ako diyan. Gusto ko ring malaman kung ano ang status nila ni Zach.



Nagtago kami sa likod ng malagong halaman ng rose. Sa tingin ko di naman kami mapapansin dito sa little naman si Kyo eh hehe.



"Vivideohan ko ah" nakangiting sabi ko pero umiling ito. Ay.... nu ba yan ang kj para nga may proweba diba?



"Aysh, ang tagal naman"- Lisa

"Chill ka lang kasi"- Zach

"Eh ano ba kasi yun"- Lisa

"Secret nga diba?"- Zach

"Sige, imulat mo na"- Zach



Dahan- dahang binuksan ni Lisa ang kamay niya. Pagbukas niya dito....



"Waaaah! I-ilayo mo yan! Kadiri!" Sigaw ni Lisa at umakyat sa upuan ng swing. Binigyan lang naman siya ni Zach ng bulate. Kadiri.



"Hahaha, diba ang cute" ani toh at pinulot muli ang bulate. Yaks naman.



"Mama! Tulong!" Iyak ni Lisa. Hala siya, pinaiyak niya si Lisa. Di niya alam may trauma si Lisa sa bulate. Dahil last year si Ryo pinagtripan niya si Lisa at nilagyan siya sa buhok ng caterpillar.



"Haha, joke lang eto na talaga" sabi ni Zach at inilagay ang kamay sa bulsa. At nag labas ito ng isang rose. Waaaah, ang sweet naiiyak ako. T_T.







"Ay Ebak na buhay!"




"Hoy! At sa tingin niyo hindi namin kayo mapapansin?" Nakapamewang na saad ni Lisa. Letse, aatakihin ako sa puso nito eh.





"H-hi, ano napadaan lang kami dit--" hala? Asan na yun? Biglang nawala.





"Hmmm, si Kyo ba? Ayun oh! Kasama si Zach haha" ay ang galing. Sanay na ako, parati nalang ako iniiwan T_T.





"Tara na nga, papalibre nalang ako kay Zach haha" hype na sabi nito. Luh? Binigyan lang ng roses, saya saya na. Ay sige, siya na may love life ako wala.




"Hala, tibay mo ah. Mahiya ka naman!" Sigaw ko. Napatakip naman siya ng tenga. Ay katabi ko nga lang pala siya haha. Nabingi na ata.





"Ano ba yan, wasak na ear drum ko bess" reklamo nito. "Ay sorry haha"





At ayun na nga nagpalibre siya ng sundaes kay Zach. Syempre dahil couple na ata sila share sila. Aysh, baks maging bitter na rin ako sa inggit shetness.









"Ah...ok sasama ko nalang siya...yup...wala lang haha...okay" binaba na ni Kyo ang tawag. Haysh.





"Ano sama ka?" Biglang tanong nito. Huh? Ako? Yung niyaya niya?





"Uh..uhmmm"





"Tara na nga" hinawakan niya ako sa kamay. Bat... bat ganun? Yung pisngi ko my gosh.





Tiningnan ko yung kamay naming dalawa. Oh my, naka holding hands. My god. My love life na ba ako? Ayt hihi.









Nakahawak yung kamay niya sa kamay ko. /////°-°/////. At ang cute niya pala kapag naka ngiti. Lagi kasi siyang naka poker face kaya ganun.





"RED!!!"







Natanaw namin si Red sa bridge mag- isa. Naka upo lang siya rito habang nakatulala sa tubig.





Binitawan na ni Kyo yung kamay ko. Binitawan ko na rin kahit ayaw ko pa. Feeling ko nung binitawan niya ako parang bigla akong nalungkot.





Parang biglang nawala yung saglitang saya na nararamdaman ko kanina. Parang nawalan ako bigla ng pag-asa, pag-asa mag ka love life.





Tiningnan niya ako at hinatak para makaupo. Tulala lang akong nakatingin sa tubig kagaya ni Red. Dito siguro siya pumunta para makapag- isip ng maayos.





"Bat ka andito?" Tanong ni Kyo kay Red. Umiling lang si Red at ngumisi, pekeng ngisi parang may lungkot sa likod ng mga mata nito.





"Tsk, sabihin mo na bro" pilit ni Kyo. Napabuntong hininga si Red at nag salita.





"Kung di lang kita kaibigan baka nasapak na kita dahil mapilit ka...."

Another: The War Has BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon