Cedrick Red Dela Cruz
Kaganina pa ako naririndi sa boses ni Lisa. Parang nanay kung makaasta. Nakakainis. Kahit tapalan ko ng head set ang tenga ko rinig na rinig ko parin yung lakas ng boses niya.
Nagtaka ako ng bigla siyang tumahimik at napatingin sa taas. Kaya tumingin rin ako.
Bigla siyang lumapit saakin at umakap. Aba, tyansing toh ah. "Tsk, tyansing" bulong ko pero sigurado akong narinig niya rin.
"Hoy hindi noh!" Hampas niya saakin at lumayo ng kaunti. Tumingin ulit ako sa langit. Bakit ang kulimlim dito? Nasaan na ba kami?
Tumingin ako sa likod pero puno lang at masusukal na daan ang makikita mo sa paligid. At may nakatayong isang lumang bahay dito sa harapan namin ngayon at mukhang pinaglumaan na ng panahon. Shit ang creepy naman.
Tiningnan ko siya. "Hoy, alam mo ba kung saan ang pabalik?" Tanong ko. Nalintikan na, nawawala na ata kami at mukhang malayo na ang academy dito. Paniguradong wala ring signal dito.
"Hindi eh hehe" saad nito. Aysh, ano ng gagawin ko gusto ko ng kumain, nagugutom na ako.
"Uy, anong plano mo?" Kalabit niya saakin. Binigyan ko siya ng sarcastic look. "Syempre gagawa ng paraan para makaalis dito. At gumawa ka ng sarili mo." Naka smile kong sabi at umupo sa gilid ng batuhan.
Inirapan niya ako at humakbang sa pintuan ng bahay. Binuksan niya ang pinto. Napatayo ako at sinundan siya. Baka may naamoy siyang pagkain sa loob ng bahay.
Pagpasok namin biglang sumara ang pinto at bumukas ang ilaw. Isang matandang babae ang bumungad saamin.
"Hmmm" ani toh at lumapit saamin bigla naman gumitgit sa tabi ko si Lisa. Tsk, nanyansing nanaman. Nakakatakot din kasi yung mukha ng matanda mukhang mangkukulam.
"Isang araw may isang binata at dalaga ang bumisita sa isang matanda..." masayang sabi nito at kinuha ang baston sa tabi ng mesa. "May gusto silang malaman." Dagdag pa nito at lumapit saamin.
"Gusto niyo bang malaman ang tungkol sa kwento ng labing tatlong anak ni kamatayan?" Bulong nito malapit sa tenga ko kaya kinilabutan ako.
"Isang araw, may labing tatlong dalaga na mahilig dumalo sa pista. Subalit ayaw silang payagan ng kanilang ama dahil may misyon pa silang gagawin...." umupo ito sa isang maliit na rocking chair.
"Sumuway ang sampung anak nito. Dumayo ang mga anak nito sa kabilang isla. Subalit. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalayag ay may nakasalubong silang malakas na bagyo at tumaob ang bangka nila. Lahat sila ay hindi na nakita pa. Pero ang natitirang tatlong anak ni kamatayan ay nanatili sa kanilang misyon. Ngayon, Lisa sino ka sa tatlong iyon?" Nakangising sabi ng matanda. Natahimik naman si Lisa at ngumisi rin ngising demonyo.
"Sa palagay mo sino nga ba ako?" Saad nito. Nagbago ang anyo nito at lumapit sa matanda. Hindi. Hindi na siya ang Lisang kilala ko. Ibang tao na ito. Nakikita ko. Iba ang anyo niya hindi isang ghoul. Kundi bampira.
"Dahil ginalit mo akong matanda ka. Hindi ko na patatagalin pa ang buhay mo!" Ani toh at sinakal ang matanda. Binato ko sa kanya ang isang upuan para makuha ko ang pansin niya. Tumingin ito saakin suot parin ang nakakatakot na ngisi.
"Lisana t-tumigil ka lubayan mo ang kapatid mo!" Wika ng matanda dito at pilit na inilalayo si Lisa. Sino raw Lisana?
$&$&$&$
Jessica Kim
Kanina ko pa hinahanap si Lisa. Gabi na, sila nalang ni Red ang nawawala sa hapagkainan. Kainis, saan ba kasi nag punta ang dalawang yun. Kasama ko ngayon si Zach, Bryll at Lax sa paghahanap.
"Try niyo kayang icontact noh?" Sarcastic ko sabi. Sabay- sabay naman silang naglabas ng cellphone at tinawagan sila Red. Saan na ba kasi napadpad ang dalawang yun.
"Cannot be rich eh" sabi ni Bryll. Aysh Lisa, Red asan na ba kayo ilang oras kaming naghahanap dito. Sumasakit na ang ulo ko kakahanap.
"Red!!! May pringles ako dito" tawag ni Lax. Nilingon ko naman sila. Aba, kumakain di nagsasabi. Hinablot ko yung pringles at kumuha.
"Penge ah" sabi ko at kumain. Nakakagutom palang maghanap *nom.
$&$&$&$
Cedrick Red Dela Cruz
Buong pwersa kong hinatak si Lisa para ilayo sa matanda. Pagkahatak ko ay bigla siyang nahimatay. Shit, ano bang nagyayari dito.
"Diyos ko hanggang ngayon pala ginugulo ng kapatid niya ang isip niya sign*" sabi ng matanda at pinagmasdang mabuti ang mukha ni Lisa. Napabuntong hininga nalang rin ako at binuhat si Lisa sa sofa.
"Pagka gising niya tawagin mo ako at ihahatid ko na kayo pabalik" sabi ng matanda at umakyat sa itaas. Binigyan ko lang siya ng matipid na ngiti at itinuloy ako pagpupunas kay Lisa. Ang init niya grabe sana hindi umabot sa kumbulusyon.
"A-aray ang ulo ko" napakurap kurap siya at humawak sa ulo. Inayos ko ang pwesto niya para makatayo siya ng maayos. "A-anong nangyari?" Tanong nito. Umiling lang ako at hiniga siya ulit.
Ang kulit mo kasi eh. Ayan tuloy.... Hay Lisa sino ka ba? Bakit ka importante saakin? Alam mo ba kung bakit ganito nalang kagaan ang loob ko sayo? Pagaling ka na.... gusto ko pa marinig ang boses mo at maramdaman yung masakit na batok mo saakin. Haha.
_______________________________________
Nyenye lab layp nga naman psh....
Wala namang happy ending yan eh kaya back off na hahaha choss...Bitter ba ako hahaha....
BINABASA MO ANG
Another: The War Has Begin
Ficção AdolescenteAnother. Is a story of a girl who lives with her immortal power. The pandemonium High, an occult school that ended your life with full of horror. Can Lisa the Red Reaper and her co- familiars can stop the increasing of dead student? Can Lisa stop t...