Chapter 2: Abnormal Heart?

979 34 1
                                    

JAMES'S POV.

Nagahahanap ako ng romance books nung makita ko yung pinaka gusto kong libro na romance... may kukuha na doon, pero dahil bad boy nga ako haha! aagawin ko yun sakanya.

"Sorry this is m--" Napatigil ako ng makita ko kung sino ang kukuha rin dito. "Ikaw na naman?!" Yung babaeng nakatapon saakin ng kape. Stalker ko ba siya?

"Ammm... excuse me lang po ako po yung unang nakakuha nito." Wow feeling magalang hah... pa po po pa siya ano ako matanda? hmp! Baby face pa kaya ako kaya hindi ako mukhang matanda.

"Pwes... Kukunin ko yan sayo." Nakangising sagot ko sakanya. Bad boy ako eh pano ba yan?

"Pero ako ang unang nakahanap dito." Belat! kukunin ko yan sayo at wala ka ng magagawa dun.

"Pakelam ko." Sabay dila ko sakanya at kuha ko sa libro.

"Akin na yan ako ang unang nakakuha niyan!" Napapasigaw na siya baka nakakalimutan niya nasa library siya.

"Abutin mo muna pag naabot mo bibigay ko sayo." Nakangising sabi ko sakanya sabay taas sa libro. Kahit naman maabot niya hindi ko pa rin naman ibibigay eh haha! atsaka matangkad ako at mas maliit siya kaysa saakin kaya malabong maabot niya 'tong libro.

Papalayo sakanya ang libro habang nakataas parin pero biglang hindi niya namalyan at hindi ko rin namalayan na nakayakap na siya saakin habang kinukuha niya parin ang libro saakin.

Natulala ako at biglang naging abnormal ang puso ko. Ano to? What's the meaning of this sound?

*dug..dug..dug..dug..dug..dug*

"Amm... sorry hindi ko napansin.. sorry. Ibigay mo na lang kasi saakin yang libro na yan ako ang unang nakahanap niyan eh." Nakatulala parin ako. Ano ba kasi nangyari sa puso ko naging abnormal?

Oh di kaya eto yung sign na sinasabi nila kapag naramdaman mo daw ito sa isang tao ibig sabihin daw 'may gusto ka sakanya' Pero hindi ako magkakagusto sa bruhang yan... never!

"Hoy kinakausap kita!" Pasigaw na bulong niya sa tainga ko. Ouch! sakit bwisit 'tong bruhang to. Sigaw na bulong ano yun?

"A-ano?" Anong nangyayari saakin nawawala ako sa sarili ko.

"Sabi ko akin na kasi yang libro!" Medyo mahinang sigaw niya saakin siguro ngayon napansin niya na nasa library siya.

"Oh yan na! Happy ka na? Pshh..." Binigay ko na lang yung libro sakanya. Makalis na nga lang nasayang lang ang oras ko dahil sakanya hindi tuloy ako nakapagbasa wala ng time.

Umalis na lang ako kasi 10 mins. na lang bago mag time...


CASSY'S POV.

Omaygash!!! Ayieeee!!!! wooh... kinikilig ako totoo ba to? nayakap ko siya? awieee! ok lang kahit nasayang ko ang oras ko sa pakikipagtalo sakanya at nayakap ko siya.

Makabalik na nga lang sa room... Pero binalik ko muna 'tong book na hawak ko Good girl kasi ako eh haha!

"Hi beshie." Bati ko sakanya na may malaking ngiti. Awieee! kinikilig parin ako. Actually mukha akong ewan dito kasi kinikilig hindi naman pinapakilig.

"Hoy beshie ano yang ngiti na yan? ikaw hah... " Nakangsing sabi niya saakin. "May nangyari ba sa libarary?" Dugtong niya. Pano kung sabihin kong meron? haha!

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon